Gretchen Barretto wants Ariel Rivera to be her leading man

MULING BUKSAN ANG Puso na pala ang title ng bagong teleseryeng pagbibidahan nina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, KC Concepcion, Zanjoe Marudo at Sam Milby sa ABS-CBN na dating Alta.

Ang pagkakaalam namin, sometime in July na ang taping. Tamang-tama para makapagpagaling nang tuluyan si Gretchen sa kanyang tinamong injury sa lower back nang ma-out of balance daw ito habang nagba-boxing sa ibabaw ng trampoline sa mansyon nila ng kanyang long-time partner na si Tony Boy Cojuangco sa Dasmariñas Village sa Makati.

Natuwa ang kontrobersiyal na aktres bago mag-umpisa ang kanyang pictorial for GlutaMAX nang ibalita ng kanyang handler sa Backroom, Inc. na si Bettina Aspillaga na most likely, ang gusto n’yang maging leading man na si Ariel Rivera ay mapapasama na nga sa kanilang teleserye, dahil malapit-lapit na rin yatang matapos ang Mula Sa Puso.

Ayon kay La Greta, choice n’ya raw talaga ang asawa ni Gelli de Belen na makapareha sa teleserye. “Bongga” lang ang tanging naisagot sa amin ng misis ni Ariel nang hingan namin ito ng reaksyon thru text.

Focused muna raw ulit ang ate nina Marjorie at Claudine Barretto sa nasabing teleserye, gaya ng ginawa n’ya sa Magkaribal, kaya malabo pa raw na gumawa ulit ito ng pelikula. Matakot Ka Sa Karma ang huling pelikulang ginawa ni Gretch na Metro Manila Film Festival entry noong 2006 ng OctoArts Films.

Kahit sa Dasma na nakatira ang maganda at eleganteng aktres, neighbors pa rin daw sila ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park sa Makati rin, dahil may isang mansyon pa rin daw sila roon ni Tony Boy at ng anak nilang si Dominique.

Mula raw sa kanilang kitchen sa Forbes Park mansion, tanaw ang magiging tahanan nina Manny at Jinkee na hindi pa raw n’ya nakikilala sa kanyang pagkakaalala.

Ang pabirong sey ni Gretchen sa address ng kanilang tinitirahan: “Forbes Park-Dasmarinas Village, Makati City.”

At, “Kung may Manny s’ya (Jinkee), may Tony ako,” pabiro pa ring hirit ni Greta sabay tawa.

BILIB NA BILIB talaga kami sa dedikasyon ni Atty. Persida Acosta, chief of Public Attorney’s Office o PAO, sa pagtulong sa mga nangangailangan, gaya ng mga kamag-anakan ng mga nalunod at nasawi sa paglubong ng barkong M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines (na nagpalit na raw ng pangalan ngayon na ang abbreviation ay PSAC) three years ago.

Imagine, para maghanap pa ng ilang hindi pa natatagpuang bangkay ng mga namatay sa naturang barko na nakadaong sa Romblon, muntik-muntikan na ring mahulog sa tubig at malunod si Atty. Acosta nang pumunta raw s’ya ro’n nu’ng isang buwan.

Pero patuloy pa rin ang walang sawang pagtulong ni Atty. Acosta at ng kanyang mga tauhan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng mga inosenteng biktima sa malagim na trahedya.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon. Maraming salamat po!
Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articleNadine Samonte will be repackaged by TV5
Next articleManny Pacquiao to face off Willie Revillame’s show

No posts to display