Gretchen Espina, tinawag na pre-paid queen!

ITAGO NA LANG natin sa mga pangalang Empty at RC ang dalawang bidang nagku-kuwentuhan sa GMA-7 dressing room tungkol sa kanilang tampo sa kanilang mother studio at tungkol na rin sa nangyayari sa kanilang career.

E, paanong hindi magli-leak ang kanilang kuwentuhan, e, matindi ang “bionic ears” ng make-up artist na nag-aayos sa kanila nu’ng gabing ‘yon.

Empty: “Bakit kaya ganu’n? Hindi pa nga tayo nabibigyan ng magandang break pero nagpa-artista search na naman ang management. Paano na ‘yung batch natin? Paano na ‘yung iba sa atin na hindi pa nabibigyan ng opportunity gaya nu’ng ipinangako nila noon sa atin?”

RC: “Oo nga, e. E, nu’ng miniting nga nila ako noon, sabi nila, e, bibigyan nila ako ng teleserye. Sobrang ganda raw ng role ko at siguradong mapapansin daw ako in terms of acting pero hanggang ngayon,e, wala pa rin ‘yung promise nila.”

Empty: “E, ako ngang grand winner, hanggang ngayon, wala pa rin ‘yung bida role na ipinangako nila. Tapos ngayon, e, lagpas ‘sandosena na naman ang mga artistang papangakuan nila, kaya sigurado, etsa-puwera na tayo, ‘tol. ‘Katampo talaga.”

Empty, not necessarily walang laman but it sounds like MT. At si RC, siguro naman kilala n’yo siya kapag napapa-smile kayo, hendehvah? Getz?!

NAKATAGPO NA NGA ba ng palaban na katapat ang Pinoy Idol grand winner, na ngayon, e, parang never heard na ang name, na si Gretchen Espina, in the person of a Pinoy Idol finalist na si Carol Leus?

Take note, hindi naman puwedeng basta na lang “ibasura” ang mga statements ni Carol tungkol kay Gretchen dahil pareho silang nagkasama sa Pinoy Idol sa GMA7 noon.

“I’m sure, kung hindi lang dahil sa text votes, e, hindi siya ang lalabas na grand winner. Kasi, kung ang pag-uusapan, e, kung sino ang mas magaling, hindi naman sa nagiging conceited ako, but I have the edge, definitely.

“Kung skills and talent ang pagba-basehan, I can say na lamang ako sa kanya. Kaya nga lang, lahat ‘yon, e, tapos na dahil as of the moment, e, may title siya being the Pinoy Idol Grand winner,” say pa sa amin ng Pinoy Idol finalist with an album to boast dahil recording artist na siya ngayon.

“Timang” ang title ng kanyang carrier single sa kanyang CD under Sunshine Records with twelve cuts kasama na ang “Magkaibigan, Nagkaibigan”, “Our Love Will Stay” at ang graduation song na “Paalam at Goodluck”.

Teka. Mabalik lang kay Gretchen ang usapan, true ba na sinabihan niyang pre-paid queen ang kanilang grand winner dahil sa dami ng kanyang text votes na nakuha?

“’Yon ang sabi-sabi sa grupo namin pero hindi po sa akin galing ang monicker na ‘yon. After niyang tawagin as the grand winner, e, ‘yon na agad ang sabi ng mga tao pati na ‘yung ibang mga finalist,” dagdag pa ni Carol.

Being the niece of a talented composer na si Boy Cristopher na may malaking clout din sa music industry, hindi naman siguro bunga ng bitterness ang kanyang mga statements against Gretchen para lang mai-drumbeat ang kanyang CD dahil kayang-kaya naman ng kanyang Uncle Boy i-promote ang kanyang debut album kung tutuusin, whatdayathink, Ate Roldan?

For reactions, please e-mail [email protected].

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleJackie Rice: Makasisira lang sa career ang non-showbiz boyfriend?!
Next articleRoxanne Guinoo, tinanggihan ang sexy projects dahil sa mapapangasawa?!

No posts to display