GUSTO NAMING TAWAGAN ang pansin nitong si Gretchen Fullido ng TV Patrol sa “pakikialam “ ng balita ng may balita nang hindi man lang nag-e-exert ng kahit katiting na effort para maging credible reporter siya.
Dating kilala bilang newsreader na may pinakamakapal na make-up sa ABS-CBN, she has turned into the laziest reporter in town. Ano naman ang ebidensiya niya para pabulaanan ang isang scoop/ balita na inihayag ng Pinoy Parazzi noong Lunes? Isang tawag sa telepono ng isang taong tulad niyang hindi man lang malapit o hindi pinagkakatiwalaan ng kampo ni Alma Moreno?
Mag-aral muna siyang mangalap ng balita bago niya ito pabulaanan on TV pa naman. Hayan tuloy, naging malaking biro (BIG JOKE) siya sa showbiz writers na siyang nakaaalam ng katotohanan.
Heto, Gretchen, para matuto kang magbalita o maging resourceful man lang. Tuklasin mo rin ang follow-up news namin sa front page at headline naming “kasal” na si Alma, okey?
Isang royal wedding ang magaganap…. Soon. Miyembro kasi ng isang royal family ang groom. Natural lamang na si Alma at ang kanyang anak na si Wyn-Wyn ay magiging Queen and Princess.
Mai-imagine na siguro kung gaano kaganda ang magiging ayos ng mag-ina sa araw na iyon. Dressed like a Queen and a Princess nga sila.
Kung hindi pa name-mention ang pangalan ng groom, ito’y sa pakiusap na rin niya. Are you reading, Gretchen? Ganyan kasi sa showbiz, dapat mapagkakatiwalaan at pinagtitiwalaan ka. Hindi basta-basta sa isang tawag lang, paglalatagan ka na ng maraming tao tungkol sa “katotohanan” sa kanilang buhay.
Take your time, Grechen. Take lessons from your friend Ginger Conejero na nagdadahan-dahan sa kanyang pagre-report. Kaya, hindi siya pinagtatawanan kapag dumaraan sa tapat ng tulad naming mga reporters.
Huwag masyadong ambisyosa. Your time will come, if you work hard for it. At kung mapatunayan mo na ang iyong sarili,
Fullido pa naman ang family name mo. Bakit hindi pulido ang report mo?
ADICT DAW SIYA sa romansa. Ito ang pahayag ni Cathy Garcia-Molina, director ng pinakanakakikilig na John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo movie na You Changed My Life.
“Kapag gumawa ako ng pelikula, may pangyayaring magaganap na kahit kalikasan ay nakakatulong sa lalong ikagaganda ng pelikula. Tulad noong ginagawa ko ang You Are The One nina Toni at Sam Milby.
“Wala namang call slip, pero, biglang umulan,” aniya. “Nataranta tuloy kami dahil wala nga sa script iyon. May biglang-nag-flash sa aking utak at inutusan ko ang staff na maghanap ng sangkatutak na payong. Napanood n’yo rin siguro ang eksenang iyon na sa dami ng nakabukas na payong ay makikita ang mga bida na nagki-kiss. Even visually, ang saya-saya ko sa naging resulta ng ulan.”
“Marami ring katulad ng eksenang iyon ang nangyari sa Spirits noon nina Maja Salvador, Rayver Cruz at John Wayne Sace kung saan assistant director ako ni Direk Chito Rono. At sa One More Chance nina John Lloyd at Bea Alonzo. ‘Di ba papatak-patak din ang ulan sa mukha nina John Lloyd at Bea at maging kay Maja?
“Sa A Very Special Love, hindi rin sinasadya ang pagkakaroon ng “rain dance.” Actually, hindi lang ulan ang nangyayari sa bawat love story na ginawa ko at gagawin ko pa, kung saka-sakali.
“Panoorin n’yo itong You Changed My Life at pare-pareho tayong magtse-change ng pananaw sa buhay.
Baka magkaroon ng part 3?
“Bakit nga hindi?” Mabilis niyang sagot na kung magaganap, magiging first in the history of Philippine movies, ‘di ba?
BULL Chit!
by Chit Ramos