NAGING maayos ang pamamaalam ni Gretchen Ho sa ABS-CBN bago siya lumipat ng TV5. Ito ang bahagi ng kanyang kuwento sa ginanap na virtual –presscon ng TV5 kamakailan lang.
Ayon pa kay Gretchen, very grateful siya sa nagawa sa kanya ng Kapamilya Network at sa mga natutunan niya dito bilang anchor at host.
Sa tanong namin kay Gretchen during the virtual presscon kung ano ang pakiramdam na iiwanan niya ang TV network na nag-mentor sa kanya, aniya, forever siyang magpapasalamat sa ABS-CBN.
“I have nothing but gratitude for the network that helped our sport grow leaps and bounds, in the same way that they have helped me grow from being an athlete, to being a host, to being a news person,” pahayag ni Gretchen.
Mula sa pagiging volleyball player ay binigyan ng break ng ABS-CBN si Gretchen sa broadcasting field. Pero kailangan din daw niyang mag-grow at sundin ang tinatawag niyang “personal calling.”
Sabi pa niya, “I have been working with ABS-CBN for a good seven to eight years, but as a UAAP (University Athletic Association of the Philippines) athlete I consider my tenure so much longer than that.
“Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng nagtiwala at nakasama sa aking ABS-CBN journey. However, time has come for me to grow even further, and to continue on pursuing my personal calling.”
“Maraming salamat Kapamilya. I will always be grateful,” dagdag niyang pahayag.
Naniniwala si Gretchen na pupuwede ulit siyang mag-work sa ABS-CBN kahit may kontrata siya sa TV5 lalo na ngayong nagkaroon na ng “merging” ang dalawang istasyon.
“Malay n’yo sa ASAP, puwede akong mag-guest do’n,” pabiro at natatawa niyang pahayag.
Ang ASAP Natin ‘To ay napapanood na rin ngayon sa TV5 tuwing Linggo ng tanghali. Handa rin daw siya na makatrabaho ang ex-boyfriend na si Robi Domingo.
Meanwhile, itutuloy ni Gretchen sa pamamagitan ng public service program na Woman in Action ang kanyang personal advocacy na magbigay ng mga bisekleta. Her “Donate a Bike, Save a Job” campaign provided a means of transportation to those struggling to go to work during the height of the lockdown.
“I force myself to go biking to get away from social media and fight toxicity. I control what I see online regarding news. I check Twitter only for a while and filter Facebook,” huling pahayag ni Gretchen.