Grupo ng male actors, mangangarir sa Macau?!

HINDI NAWAWALA SI Jennylyn Mercado.

Amidst the brouhaha sa non-appearance ng first Starstruck Female Sole Survivor sa mga commitments nito last Saturday and Sunday, Monday the whole day, nagti-taping si Jennylyn for her Sine-Novela Paano Ba Ang Mangarap? with Mark Herras. Nakitanong kami sa mga co-stars niya, sina Mark at Rainier Castillo, simple lang ang naging sagot ni Jennylyn, nasa bahay lang siya, may sakit.

We swear hindi namin alam kung sino ang nagpalaki nito dahil hindi naman siguro si Jennylyn ang kauna-unahang artistang hindi sumipot sa commitments niya, ‘no? All they have to do lang pala last Saturday and Sunday is go to the house at nandoon nga si Jennylyn, nagpapahinga. Ayaw na naming makitanong kung bakit siya non-appearance for her weekend commitments.

Ang mahalaga, she’s back and working.

MAY GRUPO NG artistang lalaki ang magta-trabaho sa Macau.

May hinahanap kaming artista, si Tyrone Perez. Balita kasing nasa Macau daw ang isa sa first Starstruck Avenger. Dumiretso kami sa source namin doon, a model na nagtrabaho sa famous bar sa may port ng Macau at nakitanong kung nandoon nga ba si Tyrone. Wala raw at sure siya, kasi makikita niya ito, dahil dalawa lang naman ang bar na pinagta-trabahuhan ng male models and actors doon.

Pero may ibinalita siya. Isang grupo ng male actors na patapos na ang kontrata sa kanilang home station are about to join them there. Ayaw munang pasabi kung sinu-sino sila baka raw mabulilyaso. Definitely by next week liipad na sila roon. Kung mawawala sila rito, alam n’yo na kung nasaan sila. Eh, makati ang paa namin next week, so baka lumipad din kami roon.

Baka magdala pa kami ng camera, hehehe!

LUMALABAN ANG DED Na Si Lolo kay Wolverine.

Natutuwa ang tagapamahala ng Sine Direk dahil lumalaban ang pelikulang Ded Na Si Lolo sa resulta sa takilya kahit na higanteng pelikulang Wolverine ang katapat nito. Sa isang text message mula sa pamunuan ng mga sinehan, ito ang message: In my work with the cinemas, ngayon lang ako nakahawak ng indie film na napakalakas.

‘Nung first day, tinalo niya ang Wolverine sa ibang sinehan sa dami ng manonood kaya inilipat namin siya sa mas
malakas na cinema. Nakakagulat talaga.’ Magandang hudyat ito para sa ating mga nagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino, na isang Rated A na pelikula at tinatangkilikpa ng madla.

Next in line sa susunod na Miyerkules ang Litsonero.

Merese
by Dinno Erece

Previous articleSpecial child dies because of Mark Bautista’s concert
Next articleLove Compatibility: Iza and Mark – All About Them

No posts to display