Favorite radio personality ko si Bro. Jun Banaag ng DZMM. May dalawa siyang programa rito. Isang pang-hapon na “Dr. Love Always and Forever” where he plays oldies but goodies songs from a Frank Sinatra to Andrew Williams and from a Spiral Staircase to Stylistics at maging mga awitin nina Sharon Cuneta or even disco hits nina Ella del Rosario of Hotdog or Yolly Samson of Cinderella. Mga flashback songs kung gusto mong magbalik-tanaw sa mga awitin na pini-play niya tuwing hapon.
In the evening, after ng showbiz entertainment show nina Jobert Sucaldito at Papa Ahwel Paz na “Mismo”, kasunod naman ang program ni Bro. Jun Banaag na “Dr. Love”, kung saan by word na niya ang salitang “anak ng kambing” kapag bad trip siya sa listeners niya at pinagagalitan niya sa mga desisyon nila sa buhay na hindi naaayon sa wasto at tama.
The evening show is more of an advice program.
Pero aside from playing old music from the 60’s to the 80’s in the afternoon at ang advise program niya sa gabi, may nabuong grupo si Bro. Jun mula sa mga nakasasama nila sa pilgrimages.
Sa pagpupursige ng mga naging kasama nina Bro. Jun sa mga biyahe niya na pinangalanan nilang “Dr. Love Pilgrims Family” (pilgrims of his annual pilgrimages sa Holy Land at Europe) which he formed, they share their blessings with the poor and needy.
Recently, with Bro Jun’s group, as part of their social responsibility, dumayo sila sa Zambales, kung saan with the help of its members and friends ay naisagawa nila ang medical mission para sa Aeta residents ng lugar.
“This was held last July 2, 2016 at Sitio Gala, Caningway, Zubic, Zambales. My wife Sis. Ludy Banaag, OP and my sister, Aurora B. Manalang, who is a born again Christian and other members of the protestant groups also joined. So you see, Love does not look at religion, it looks through the heart of a person,” paliwanag niya thru our Facebook.
Paniwala ni Bro. Jun, “Kasi walang kuwenta ang dasal ka nang dasal, kung hindi mo naman nakikita ang mukha ng Panginoon sa ibang tao. Parang the parable of The Good Samaritan.”
Sa naturang medical mission, nakasama ng grupo nila ang aktres na si Gina Pareño at ang anak nitong si Raquel and other non-pilgrims (na regular listers ng radio program ni Bro. Jun).
Bukod kina Ms. Gina, nakasama rin ang mga personal friends ko na sina Dr. Annette Guevarra and Dra. Mario Guevarra of Lourdes Hospital, sina Ms. Zenaida Raymundo (na landlady for the past years na nakilala ko lang last year in person sa program ni Bro. Jun), at marami pang mga personalidad na napakikingan ko lang na binabanggit ni Bro. Jun sa kanyang program.
Yes, si Bro. Jun, hindi lang magpapatutog ng mga old time favorite songs natin sa radio program niya at magbibigay ng kanyang punto de vista at advise thru his “Dr. Love” show, kundi patuloy pa rin siya at mga kasamahan niya na magpapaabot ng kanilang tulong at ayuda sa mga less fortunate, dahil alam nilang mayroon silang repsonsibilidad sa lipunan at sa kanilang mga kapwa.
Reyted K
By RK VillaCorta