SA UNANG installment pa lang ng pelikulang Guerrero ay pinahanga ng child actor na si Julius Sabenario ang moviegoers with his very effective portrayal. In fact, he was recognized by PMPC at kinilalang Best Child Performer sa Star Awards for Movies.
Sa Guerrero Dos: Tuloy Ang Laban ay muli na namang ipinakita ni Julius ang kanyang kahusayan bilang aktor.
Ang Guerrero Dos ang midquel (tawag nila sa 2nd installment) ng EBC Films sa unang Guerrero ginawa nila. Ang objective ng EBC ay maghatid ng mga pelikulang hindi lang magpapatawa o magpapaiyak sa audience kundi makaka-inspire din sa mga Pinoy para harapin ang bukas na may pag-asa.
“Kahit na tayong mga Pilipino ay nahaharap sa mga problema, dapat maging matatag tayo at patuloy na lumaban sa tulong na ating paniniwala sa Diyos.
“Mission ng EBC Films na maghandog ng quality, entertaining films na may moral values at nakaka-inspire sa ating audience. May problema man tayo, hindi tayo dapat sumuko,” sabi ni Robert Capistrano ng EBC Films.
Ginanap ang special screening ng Guerrero Dos sa bagong bukas na INC Museum Theater noong October 25.
Dinaluhan ito ng entertainment press, ilang cast ng pelikula including Julius at ng director nito si Direk Carlo Ortega Cuevas
Mapapanood din sa pelikula in a very special role si Victor Neri na isa ring kaanib sa INC. Pagkatpos ng special screening ng Guerrero Dos last Oct. 25 ay sinunan naman ito ng isang successful red carpet premiere noong October 29 sa SM Megamall Cinema 4.