NAGLAAN ANG PAMAHALAAN ng P2 bilyon para sa tinatawag na reintegration program ng OWWA. Ito ay para sa mga kasalukuyang OFW at dating OFW. Maaari ring mag-apply dito ang mga pa-milya o dependent ng OFW.
Ito ay loan o pautang para sa pagtatatag ng maliliit na negosyo at ang pondo ay maaaring gamitin na working capital, pambili ng mga kagamitan o para sa construction, renovation, expansion at repair ng mga gusali o lugar na gagamitin sa negosyo.
Ang pautang ay mula P300,000 hanggang P2 milyon. Mayroon itong 7.5% interest bawat taon. Ang loan ay maaaring bayaran sa loob ng isang taon hanggang pitong taon. Meron din itong grace period na dalawang taon.
Narito ang ilang detalye ng programa:
PROGRAM FEATURES
(LBP & OWWA Guidelines)
A. ELIGIBLE BORROWERS:
a. OFW with at least one OWWA contribution
b. Legal Dependent (if married, legitimate spouse; if single, pa-rents)
ELIGIBLE PROJECTS:
Projects with confirmed market or Purchase Order or Service Agreement or Contract Growing Agreement that will generate net monthly income of at least Php 10,000.00
LOAN AMOUNT:
a. Minimum – Php 300,000
b. Maximum – Php 2 million
INTEREST RATE:
7.5% per annum fixed for the duration of the loan
LOAN PURPOSE:
a. Working Capital
b. Fixed Assets Acquisition PROJECT COST SHARING (DEBT-EQUITY RATIO):
a. Borrower’s Equity – Minimum of 20%of the Total Project Cost (TPC)
b. Loan – Maximum of 80% of the TPC
LOAN REPAYMENT:
a. Short Term Loan – Maximum of one Year
b. Term Loan – based on cash flow but not to exceed 7 years inclusive of maximum of 2 years grace period on the principal
PROCESSING REQUIREMENTS:
a. OWWA/RWO issues Certification that the borrower is a bonafide overseas worker, has completed Entrepreneurship Development Training (EDT), and has credit history (if any)
b. Certificate of Registration with DTI
c. Bio-data of Applicant
d. Mayor’s Permit
e. Income Tax return (last 3 years
f. Latest interim Financial Statement, if applicable
g. Statement of Asset and Liabilities
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo