Bilib kami sa team-up ng mag-asawang Guiguinto (Bulacan) Mayor Ambrosio “Boy” Cruz and misis niya na si Madam Precy sa mga gawain nila sa kanilang teritoryo. Kung ang iba ay visible lang during campaigns para sa kandidatura nila, ang husband and wife team ng dalawa ay tuluy-tuloy pa rin ang gawa para sa kanilang constituents.
Recently, natuwa kami sa project nina Mayor Boy at Madam Precy para bigyang-pansin ang isyu ng HIV sa Guiguinto at sa mga karatig-bayan sa lalawigan ng Bulacan.
First event ito on HIV education na dinaluhan ng LGBT community sa Guiguinto at mula sa iba pang dako ng Bulacan.
Successful ang event, kung saan ang mga kasamahan natin sa panulat na sina Jobert Sucaldito and Ambet Nabus (both have a radio programs sa DZMM) ang naging host sa event. Bukod sa education on the risk of HIV na ibigay ng DOH, nagkaroon ng costume contest sa pamumuno siyempre nina Mayor Boy at Madam Precy at sa paandar ni Tito Rene Villanueva.
Sa January 2017, aabangan for sure ng mga karatig-bayan ng Guiguinto ang kanilang yearly “Halamanan Festival”. Kilala ang bayan sa kanilang mga garden at ang pag-aalaga ng mga tanim. Kung green thumb ka, for sure, mae-enjoy mo ang sight-seeing sa iba’t ibang gardens ng bayan.
Sa nakaraang “Halamanan Festival”, naging panauhin nila sina Michael Pangilinan, komedyanteng si Boobsie Wonderland, at marami pang iba.
Sina Mayor Boy at Madam Precy ay supportive sa showbiz sa events nila, kung saan nag-iimbita sila ng showbiz personalities.
Reyted K
By RK VillaCorta