Gusot ni Ka Freddie at Maegan Aguilar, Maaaring Pag-Usapang Pampamilya

Freddie-Aguilar-Jovy-Gatdula Ka-FreddieMINSAN NA rin nating nakadaupang-palad itong si Freddie Aguilar diyan sa kanyang restobar sa Malate, Manila.

Dangan nga lamang, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay iisa ang kulay ng buhay. Dumarating nagiging colorful ngunit sa kalaunan ay maaaring maganda ang resulta. Marahil, ang bawat isa ay kailangan ang espasyo; kailangang humanap ng pansariling pangangailangan. Lalo at expose itong si ka Freddie sa kanyang trabaho ay kailangan nito ng isang inspiration.

Sino ang babaeng hindi hahanga sa isang 61-year old music icon na ay songwriter pa? Na siya pang nagpasikat ng maraming awitin lalo na ang internationally-acclaimed na awiting Anak. ‘Di niya ikinaila na ang awiting kanyang mga pinasikat ay base sa kanyang karanasan sa buhay. Karugtong marahil ang naunang bumulaga na isang kontrobersiya na nagkagusto sa batang-batang 16-year old na si Jovie “Babe” Gatdula, na noong una ay ipinagtatanggol pa ni Maegan para sa pag-ibig ng kanyang ama.

Siyempre, sa una ay walang gagawin ang pamilya ni Ka Freddie kundi tanggapin ito, marahil ay unang-una ay may edad na ito at tiyak alam na nito ang kanyang ginagawa. Pero siyempre, may pagbabago ang kasama sa pamilya. Andu’n ang mga pakiramdaman at mga hinala both sides sa takbo at sirkulo ng kanilang kapaligiran.

Andu’n ang maraming mapupuna sa isang batang-batang pinakasalan sa Muslim rites, dahil ibig na patunayan ni Ka Freddie ang seryosong pag-ibig nito sa kanyang girlfiend.

Ayon diumano sa anak na si Maegan, isang “brain washing” ang ginagawa ng batang-batang babae sa kanyang magulang. Para sa kanya, ito ang unti-unting pumapatay sa kanilang magandang samahan ng ama katulad ng pagkontrol sa pananalapi na nag-ugat sa usapin ng nabubulok na gulay sa refrigerator at ang paniningil sa kanya ng halagang 1,500 pesos na ipinambili ng diaper ng kanyang anak. Inakusahang pinalayas daw siya ng kanyang ama.

Para sa akin, natural lamang siguro na mapansin ng mga anak na may mga pagbabago sa sirkulo nila, hindi dahil sa nagkakaroon ng pagpapansin o selos, lalo’t nagpahayag itong si Maegan na dati’y nakapapasok pa siya sa kuwarto ng kanyang ama at andu’ng naha-hug pa niya ito. Sa ngayon naka-lock na ang pinto o kuwarto ng bahay.

Para sa akin, natural ang mga pagbabagong ito, at wala tayo sigurong gawin kundi tanggapin ang realidad. Na ang maibibigay ng asawa ay hindi kayang ibigay ng anak lalo’t may mga sari-sarili na itong pamilya, at naghahanap si Ka Fredie ng bagong pagmamahal.

Para ‘pag dumating na siya sa sukdulan, may kasama siyang mag-aaruga sa kanya sa buhay at natural na mahulog ang kanyang damdamin dito.

Ang pagsama-sama nito sa iisang bubong, tiyak andu’n na magsisimula ang mga gusot. Tiyak andu’n ang makikita ang mga bagay na pagpupuna ng magulang sa kanyang anak at ganoon din ang mga anak sa kanyang mga magulang.

Para sa akin dapat nga lamang ‘pag may pamilya na ang anak, para maiwasan ang gusot, humiwalay na ang anak sa magulang, ano man ang nature ng trabaho nito.

Tama lamang na magsarili itong si Maegan at maipakita niya sa kanyang magulang na nag-e-exist siya kahit lumayo siya dito sa kanyang kinalakihang magulang. Para sa akin, kaya niya ito. Walang may kamay, may paa at ulo na puno ng talento na hindi dapat pa na umusbong at pagyamanin muli ang kinang na taglay niyang angking sining. Pasasaan ba’i magsi-shine muli ang araw para sa kanila.

Para naman kay Ka Freddie, dapat lamang andoon pa rin ang kanyang pagmamahal tiyak sa kanyang mga anak. Ito ay hindi maaaring ikaila at hindi ito maaaring burahin ng eraser at masasabing hindi niya ito anak. Dahil ang mabuting magulang ay unconditional ang pagmamahal.

Ka Freddie, good luck sa bagong buhay na pinasok mo.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

 

E-mail: [email protected]; cp. 09301457621

Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia

Previous articleJim at Toni Saret, na-impress sa pagpayat ng ‘Biggest Loser contestants’
Next articleWinner sa Box-Office!

No posts to display