SA MGA kabataan nating artista, mabibilang mo lang talaga ang may stand sa kanilang paninindigan o opinion.
Karamihan kasi sa mga artista natin, medyo hindi pa solido ang kanilang opinion at may pangamba pa sa kung ano ang sasabihin ng publiko.
Not on Dingdong Dantes’ case.
Open ang aktor sa kanyang opinion. Vocal siya sa kanyang opinion. Kung ano man ang nasa sa isip niya, hindi siya nahihiyang sabihin.
Sa kaso ng RH Bill na ang mga Pilipinong ipinanganak na Katoliko, sa dikta ng kanilang simbahan sila’y takot na ipahayag ang kanilang opinion at paniniwala.
Pro-RH si Dingdong pero dahil sa hindi pa ganu’n kalinaw ang detalye ng RH Bill, gusto niyang pag-aralan at himayin ang kontrobersiyal na isyung ito.
“But definitely, I’m into responsible parenthood,” sabi niya sa isyu.
Kung mapagbibigyan ng pagkakataon, he want four kids kung sakaling mag-asawa at magkapamilya.
Pero hindi dinetalye ni Dingdong kung si Marian Rivera nga ba ang babaeng pakakasalan niya in the future at ang magbibigay ng apat na supling na pinaplano niya.
WATCHED THE new horror movie from Regal Films- Guni Guni starring Lovi Poe last Wednesday.
Sa poster ng pelikula, sinasabi ng marami na kopya diumano ito sa Thai Film na Alone na isang horror movie rin na tungkol sa mga conjoined twins na pinaghiwalay at ang isang kapareha ay namatay at nagmumulto. Same as Guni Guni. Nagmumulto man o nanggugulo man sa isipan ng bida sa pelikula na si Lovi, I still love the Thai movie dahil mas malinaw, malinis at hindi nagsa-nga-sanga ang mga kuwento na sandamkmak ang sub-plots.
Ang pangongopya ng film poster ay hindi na pala bago sa Pilipinas (tulad ng Guni-Guni at Alone na viral na sa Facebook, kundi numero unong mango-ngopya ay ang bansang India at China.
As in copycat. Kopyang-kopya na iisipin ng makakakita, iniba lang ang mga bidang artista sa poster at teksto pero ang kabuunan ay iisa.
This week, ang daming mga magagandang pelikula. ‘And’yan ang Total Recall at Hope Springs na alam kong worth ang P180 mo na pambili ng apat na kilo ng bigas, kaysa manood ka ng pelikulang wala na namang wawa na pagsisisihan mo na ginutom mo na naman ang pamilya mo.
UP AND coming rocker Paula Bianca (a nominee in the coming Star Awards for Music) will have a show tomorrow, Saturday at Lucky Chinatown Mall at 3pm followed by another concert on September 14 at Zirkoh Morato.
Magaling si Paula. Rocker to the max who can belt out tunes with ease from singers like Rod Stewart, Bon Jovi, at marami pang iba.
Now, tell me, keri ba ni Yeng Constantino ang mga kanta ng mga nabanggit na international rockers?
Reyted K
By RK VillaCorta