Dear Atty. Acosta,
ITATANONG KO lang po kung anong kailangan para ma-qualify po ako sa libreng serbisyo para sa annulment case. Gusto ko po sanang magsampa ng annulment pero wala po akong budget para roon. Ini-refer kasi kayo sa akin ng kaibigan ko na nagbabasa ng article ninyo sa newspaper.
Analisa
Dear Analisa,
UNA SA lahat, nais naming ipabatid na ang aming tanggapan, Public Attorney’s Office (PAO) ay ang pangunahing tanggapan ng gobyerno na nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga mahihirap o mga kapuspalad. Kami ay maaaring tumulong at humawak sa alinmang kaso tulad ng kriminal, sibil, labor, administratibo at iba pang quasi-judicial na kaso.
May mga kwalipikasyon bago matanggap ang isang tao bilang kliyente ng PAO. Ito ay ang Indigency at Merit Tests alinsunod sa Republic Act No. 9406 o ang PAO Law, kaugnay ng Sections 2 and 3, Article II of Memorandum Circular No. 18, Series of 2002 as amended by Memorandum Circular No. 2, Series of 2010 (Amended Standard Office Procedures in Extending Legal Assistance).
Para sa Indigency Test, kinakailangan na ang net income ng taong humihingi ng tulong ay hindi hihigit sa:
1. P14,000 sa loob ng isang buwan kung kayo ay naninirahan sa Metro Manila;
2. P13,000 kung kayo ay residente ng ibang siyudad; at
3. P12,000 kung kayo ay naninirahan sa ibang lugar.
“The term “net income” as herein employed shall be understood to refer to the income of the litigant less statutory deductions.
Statutory deductions shall refer to withholding taxes, GSIS, SSS, Pag-Ibig, Health Insurance and Philhealth premiums as well as mandatory deductions.
For purposes of this Section, ownership of land shall not per se constitute a ground for disqualification of an applicant for free legal assistance in view of the ruling in Juan Enaje vs. Victorio Ramos, et al. (31 SCRA 141, G.R. No. L-22109, January 30, 1970) that the determinative factor for indigency is the income of the litigant and not his ownership of real property.” (Section 3, Article II, PAO Memorandum Circular No. 18, Series of 2002)
Kaugnay nito, kinakailangang magsumite ng alinman sa mga sumusunod:
(1) Latest Income Tax Return or pay slip or other proofs of income;
(2) Certificate of Indigency from the Department of Social Welfare and Development, its local District Office, or the Municipal Social Welfare and Development Office of the place where you are residing; or
(3) Certificate of Indigency from the Barangay Chairman having jurisdiction over your place of residence.
Samantala, ang Merit Test naman ay ang pagsusuri sa tibay ng inyong kaso base sa mga ebidensiya, kung makapagpapairal ng katarungan at batas, at hindi “pagha-harass” lamang ng kapwa. Ang mga criminal cases na isinampa laban sa akusado ay itinuturing naming may merito dahil sa constitutional presumption of innocence. Subalit sa mga kasong civil, administrative at quasi-judicial ay mahigpit naming ipinaiiral ang merit test.
Upang kayo ay mabigyan ng libreng serbisyong legal ukol sa inyong kagustuhang ipawalang-bisa ang iyong kasal, mangyari po lamang na kayo ay magsadya sa aming tanggapan na malapit sa inyong tirahan dala ang alinman sa mga nabanggit na requirements para sa Indigency Test pati na ang mga dokumentong maaaring magamit bilang inyong ebidensiya. Ang amin pong mga opisina ay matatagpuan sa Hall of Justice ng bawat siyudad o munisipyo.
Atorni First
By Atty. Persida Acosta