ETO NA. NIREREKLAMO na ng mga kasamang artista ang guwapong young actor. Kesyo wala raw pakialam talaga ito sa mga kasama kung nalalanghap man nila ang buga niya ng usok ng yosi niya.
“Ang lakas-lakas manigarilyo, grabe. Kauubos lang ng isa, sindi na naman. Parang chimney. Juice ko, kumusta na kaya ang baga ng taong ‘yan? At kung wala siyang pakialam sa baga niya, sana, magkaroon siya ng pakialam sa baga ng ibang taong nakakalanghap ng second hand smoke niya.”
Dito ay a-agree kami sa nagkuwento, dahil alam n’yo ba ‘tong batang ito nu’ng kasama pa sa isang sitcom? Pagbukas namin ng dressing room niya, juice ko, ‘kala namin, sinusundo na kami ni Lord, dahil hitsura ang alapaap sa loob!
Para ka ring nasa Baguio na super foggy, dahil hindi na alam ng usok kung saan siya lalabas, kaya nagkukumpol-kumpol na lang sila sa ere sa loob ng dressing room.
“Ako nga mismo,” sey ng kasama niyang artista, “‘Kala ko nu’ng una, blind item lang, until makausap ko siya nang face-to-face. ‘Tangna, simula nu’ng malanghap ko ‘yung hangin mula sa bibig niya, kada buka ng bibig niya, hindi ako humihinga talaga.
“Pumepektus ako na kunwari, lalayo ako nang bahagya sa kanya, pero langhap ko pa rin, eh. Grabe talaga. Kung yosi lang ‘yon, sasabihin mo, smoker’s breath lang ‘yon. Pero hindi, eh. Parang galing sa loob na ‘yung baho ng bunganga niya.
“Kaya nga sa loob-loob ko, pa’no kaya siya nate-take ng mga nakakahalikan niya, ‘no? Ang baho talaga. Eh, kasi naman ‘yung taong ‘yon, hindi rin nagka-carbo, kung anu-ano lang na pang-diet at di-pampataba ang kinakain.
“Conscious ka sa katawan mo, pero sa hygiene mo, kumusta ka naman?”
Nakakalokah, pa’no kaya ia-address sa young actor ito, ‘no? Kung maaagapan siguro ito, baka sa susunod, simbango na ng bulaklak ang kanyang hininga.
(By Ogie Diaz)