BLIND ITEM: SINO ang guwapong young actor na ito na minsan, sa isang one-on-one interview ay pinaghinalaan ng ilang staff, dahil sino ba ang kanyang kasama that time? Isang non-showbiz guy na matipuno ang katawan. Barkada niya ba ito or what?
“Baka dyowa,” sey sa amin ng isang staff. “Kasi, panay ang sulyap ni young actor sa kinatatayuan nu’ng guy, eh. Eh, ‘di ba, may tsikang bangladesh ang lola mo kaya up to now, wala pa ring dyowang girl?”
Sabi nga namin sa aming friend, “Hindi na ‘ko choosy diyan, ha? Kahit dingga ang lola mo, papalicious pa rin!”
‘Di na kami magbibigay ng clue. Basta hindi na. Ayaw ng kamag-anak namin. Charring!
KINUKONDENA NG ILANG religious group ang dalawang eksena sa filmfest entry ng RVQ Films, ang Father Jejemon. Hindi nila gusto ‘yung gag na nahulog sa cleavage ng isang babae ang ostya at sumabit ang pustiso ng isang lola sa ostya, kaya naiwan sa kamay ni Tito Dolphy.
Si Zsa Zsa Padilla na tumatayong line producer ang binobomba ngayon. Kung siya raw talaga ang producer, ba’t hinayaan ang gano’ng eksena na parang “binabastos” ang “katawan ni Kristo”?
Feeling namin, walang intensiyon si Tito Dolphy na bastusin ang banal na katawan ni Kristo. Ginawa ‘yon para lang makapagpatawa. Pero siyempre, we cannot please everybody. At naiintindihan namin ang posisyon ng Simbahan tungkol dito. The latest we heard ay tatanggalin na nang tuluyan ang dalawang eksenang ito na nakakatawa pa naman, pero hindi sa panlasa ng mga Sarado Katoliko.
Medyo naawa lang kami kay Ms. Zsa Zsa sa kanyang mga tweets na baka ito na ang huling pelikula ni Dolphy at sana’y tangkilikin ng mga manonood.
Kaya nu’ng nagsimbang gabi kami, ipinagdasal namin ang kalusugan ni Tito Dolphy at ang pagkita ng Father Jejemon. Sana, tangkilikin natin. Iregalo na natin kay Tito Dolphy.
OO, TOTOO. HANGGANG December 31 na lang ang airing ng Pilipinas Win Na Win at ang sinasabing ipapalit dito ay ang The Price Is Right na isang game show na iho-host ni Kris Aquino. Kung hindi kami nagkakamali, 11am to 1pm ang Showtime at susunod na ang game show ni Tetay.
Sa ngayon, bumi-busy-busy muna si Kris sa pagpo-promote ng Dalaw at sa bawat guesting niya sa TV ay namimigay siya ng librong gawa nilang magkakapatid na hindi pinamimigay.
And by the way, marami pa ring shocked sa pagpapaalam ng PWNW, kaya sa Twitterworld ay may nagtanong sa amin kung hindi ba mae-extend man lang ang Pilipinas Win Na Win? Kaya sinagot namin ng: “Yes, extended. Hanggang December 32 siya.”
BINASAHAN SI AI-AI delas Alas ni Vice Ganda ng isang text message na ito ay humihingi ng sorry kung hindi nakasama sa Ang Tanging Ina Mo….Last Na ‘To! samantalang “anak” ito ni Ai-Ai sa movie. Na nu’ng banggitin ni Vice sa Showtime kahapon na si Heart Evangelista ang nagpadala ng message, naiyak na ang Concert Comedy Queen, dahil itinuring niyang parang tunay na anak si Heart.
Pero meron talaga sa pelikula na dapat sana’y may cameo role, pero “nag-inarte” raw, kaya pinalitan ni Direk Wenn Deramas. Sino kaya ito?
May idea ba kayo?
Oh My G!
by Ogie Diaz