TOTOO BA ‘TO? Na ‘yung hinahangaan nating isang young actor, dahil maganda na ang rehistro sa screen ay ang husay pang umarte, pero sa kinukunang eksena mismo, hindi gano’n kagaling?
Me gano’n?
“Oo, ‘Day! Si Direk nga, iritang-irita sa kaartehan ng batang ‘yan, eh. Talagang ‘pag eksenang emote, sasabihin niya, sandali lang daw at mag-i-internalize lang siya.
“Okay lang ‘yon. Actor’s cue, ‘ika nga. Pero, ‘Day, ‘eto na ang nakakalokah! Ang ibinibigay namang akting, waley din. Kaya director’s cue na lang.
“Tapos, paputol-putol ang eksena na lang, kasi, mahirap din siyang magmemorya ng dayalog, eh. Mahal lang talaga ng kamera ‘yung mukha niya.
“Pero it takes time bago matapos ang kada eksena niya. Ang galing na ‘pag sa harap ng kamera, dahil obviously, merong editing doon, pero sa tunay na eksena ‘pag manonood ka? Maiinip ka!”
Well, kuwento lang naman ito at hindi nangangahulugang naniniwala kami, dahil hindi pa naman namin nakakatrabaho ang guwapong young actor, eh.
Ang galing-galing kaya niya kelan lang sa “Maalaala Mo Kaya,” dahil feeling namin, galing sa puso talaga ang akting niya. Natural na natural.
(By Ogie Diaz)