GOING INTERNATIONAL NA ang career ng isa sa may pinakamagandang mukha sa telebisyon at pelikula at GMAAC Prime Artist na si Gwen Zamora dahil ito ang napili para mapasama sa isang Indonesian indie film, ang The Witness.
Kuwento nga ni Gwen, marami silang pinagpilian pero masuwerte raw siya ang napili ng mga Indonesian producer.
“I’m the witness, from the title, The Witness. I play a Filipina expat who works in a hotel, I’m half-American, half-Filipina.”
Tsika pa nito na mapapanood daw ito next year, mga January o March. “Ang pagkakaalam ko it will be going to be shown here in the Philippines by January or March po.”
Dagdag pa nito na kakaibang Gwen ang mapapanood ng kanyang mga tagahanga sa The Witness. “Grabe kakaiba ang role ko dito, intense talaga, I didn’t expect my role to be that powerful. Kaya naman I’m very very happy and thankful to be part of (The) Witness.
“There’s a lot of action, a lot of shooting, a lot of blood. Madugo talaga ‘yung Gwen Zamora na makikita ninyo rito. All the stunts, I did myself, so half of my shooting days, I had bruisies everywhere. My kneecap was sort of out for a while, so I was [in and out] of the hospital and I was always on painkillers, so it was really intense talaga.
“Ibang-ibang movie talaga ito compared sa ibang roles na nagawa ko. This is maraming iyakan. Oh, my God! A lot of crying, which you’ve never seen from me yet.”
At kahit nga raw two months na ang stay sa Indonesia si Gwen kasama ang Talent Development Head ng GMAAC na si Ms. Lou Gopez, hindi naman nabihag ang puso ng magandang dilag ng mga Indonesian local guys. Purely trabaho raw ang ipinunta roon ni Gwen at hindi ang magkaroon ng lovelife, dahil career daw ang focus nito ngayon sa kanyang buhay.
HINDI NAIWASANG KILIGIN ang young star at mainstay ng Sinner or Saint at Tween Hearts na si Kim Komatsu nang sa mismong kaarawan nito last Aug. 14 na ginanap sa Epheta Foundation, ang foundation na sinusuportahan ni Kim, nang dumating ang ka-loveteam nito sa Tween Hearts na si Hiro Magalona at bigyan siya ng napakagandang bouquet of flowers.
Ayon kay Kim, na-touch siya kay Hiro dahil hindi raw nito inaasahang darating ang ka-loveteam. Ang alam nito ay may show ang binata, kaya naman laking gulat nito nang makita ang binata at may dalang kumpul-kumpol na bulaklak.
At nang tanungin namin si Kim kung sino ba among male tweens ang crush niya, hindi ito nagdalawang-isip na sabihing si Hiro ang kanyang showbiz crush at wala nang iba pa, at the same time ay siya rin naman ang crush ni Hiro nang matanong ng mga imbitadong press people. After ng interview sa dalaga, nasa isang sulok na sila ni Hiro na nagkukulitan at nag-uusap. ‘Yun na!
GRABE ANG TURN-OUT ng ginawang mall tours ng grupo ng tweens na kinabibila-ngan nina Kristoffer Martin, Joyce Ching, Jake Vargas, Bea Binene, Alden Richards, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, atbp. para sa kanilang inaabangang pelikula, ang Tween Academy Class of 2012 mula sa direksiyon ni Mark Reyes.
Hindi na nga raw maikakaila na ang Tweens ang mga pinakasikat na young stars ngayon sa bansa, kung dami rin lang ng mga taong nanonood ang pagbabasehan sa bawat SM mall na kanilang puntahan.
Kinakailangan pa nga raw ng grabeng pagbabantay mula sa mga security guards dahil kung hindi ay baka lusubin ng ‘di mabilang na mga fans ang grupo ng tweens. May mga malls pa nga raw na kamuntik-muntikan nang magka-stampede dahil sa pagdagsa ng mga taong gustong makita, malitratuhan o makamayan man lamang ang kanilang mga paboritong tweens.
John’s Point
by John Fontanilla