HINDI PROBLEMA kay Gwen Zamora playing supporting role sa drama series na Innamorata with Max Collins as the lead star. Kahit nagbida na ito sa TV series na Sisid ng GMA-7, very challenging daw kasi ang character na pino-portray niya kaya tinanggap nito ang project. Balitang may gagawin siyang movie sa Indonesia, ayaw pa lang niyang ibigay ang details tungkol dito dahil hindi pa raw sigurado.
“Super blessed ako, hindi ako nawawalan ng project. Maganda ‘yung concept ng drama series namin, for me, it’s magic,” sabi ni Gwen.
Napag-usapan ang best at worse experience dahil nalalapit na ang Valentine’s Day. Ibinahagi ng mga cast ang kani-kaniyang experiences about love. Unang nagsalita si Michael de Mesa, “Best experience of my life, nang pakasalan ko ang mga mahal ko. ‘Yun ang masasabi kong one of the best thing that I give sa mahal ko. Worse, hindi ko inisip ‘yung kapakanan ko. My life is an open book, na- involve ako sa drugs, naubos ‘yung kabuhayan… Pero total change naman ang nangyari sa akin.”
Tinanong din namin ang tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng anak niyang si Geoff Eigenmann sa actress na si Carla Abellana. “Pagdating sa personal life ng mga anak ko, hindi ako nakikialam. Sila ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang makasama habang buhay. As parents, naka-support lang kami ni Gina. Their both in love, I’m happy for both of them,” wika ng actor/director.
Iba naman ang naging worse love experience ni Leandro Baldemor. Nagtrabaho ito sa Japan at tumigil sa pag-aartista para kumita nang malaki sa kanyang pamilya. Nabuking ng asawa na may babae pala siya sa Japan dahil sa Friendster, muntik na daw silang magkahiwalay. Pero naayos naman niya ang gusot tungkol sa kanilang mag-asawa. Na-realize ng actor na mahalaga para sa kanya ang pamilya. Hindi lang daw pera para maging maganda ang pagsasama ninyo. Kailangan, mahal ninyo ang isa’t isa.
Para kay Lovely Rivero, ang regrets niya nang mai-in love ito, nang maaga siyang nag-asawa at the age of fifteen kahit malaki ang agwat ng edad ng naging asawa nito. Kahit hiwalay na sila ngayon, they’re still the best of friends pa rin dahil na rin sa kanilang mga anak. Wala siyang regrets sa nangyari dahil minahal niya ito at naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay.
Ibang klase ang ibinahagi ni Rita Avila tungkol sa love. Sinabi niya, never siyang mai-in love sa kapwa niya artista o taga-industry. Pero mapagbiro raw ang tadhana, kinain niya ang kanyang sinabi at taga-showbiz ang naging partner in life ng actress.
Worse love experience ni Ralph Fernandez nang mag-propose siya ng marriage sa babaeng mahal niya na ni-reject siya. Pero ang most beautiful experience niya nang maging tatay siya. Pagdating sa showbiz career ng anak ni Lorna Tolentino, okay lang sa kanyang maging supporting ng bida. Given a chance, mas gugustuhin nitong gumawa ng love scene kaysa maging action star tulad ng ama niyang si Rudy Fernandez.
Kakaiba naman ang sad experience ni Max, 4 years ago, iniwan niya ang kanyang pamilya para manirahan sa States para maging independent. Nahirapan sila sa naging desisyon ng dalaga. Feeling nga ni Max, parang kinalimutang may pamilya pa siya. Pero na-realize niya na mali ang nagawa niya kaya nagbalik-‘Pinas ito para makapiling muli ang kanyang mga mahal sa buhay.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield