NANG MULI kong makita si Gwen Zamora nitong taon ay medyo may ipinayat nang konti compared noong last taping ng Bubble Gang second week of December. Katatapos lang ng isang segment kaya nakapagpahinga siya at nagkaroon ako ng chance na makakuwentuhan ang dalaga.
Nabati ko kaagad ang kanyang magandang figure at naitanong ko kung nagda-diet ba siya.
“Yes, Tita, balance diet lang para mapanatili ko ang healthiness. To loose 20 pounds within three months is my goal. Pati pagtikim o pag-inom ng alak ay inalis ko na rin, unless na lang kapag may special occasion,” sabi niya.
Focus umano siya sa kanyang karir dahil marami pa siyang gustong gawin at marating bilang artista. Sana nga raw ay magkaroon pa siya ng iba’t ibang endorsement tulad ng shampoo, alcohol, sabon, at kung aanu-no pa. Sana nga raw ay magkaroon na rin siya ng billboard.
Bumalik na umano ang kanyang mga magulang galing ibang bansa kung saan sila naninirahan. Magbubukas umano sila ng isa pang restaurant. Isa kasing executive ang daddy niya sa Hotel Crown Casino. Kasosyo umano nila ang isa niyang kaibigan from India na si Kurk Rashme Khamani. Tutulong din umano siya sa pagpapalago ng kanilang business kahit gaano pa siya kabusy sa kanyang showbiz career.
Samantala’y may pagkakaabalahang bagong telenobela si Gwen, ang first project niya ngayong taon, ang Inamorata. Makakasama niya rito sina Max Collins, Luis Alandy, Jackie Rice, at Dion Ignacio. Gagampanan ulit niya ang pagiging isang simpleng kontrabida sa buhay nina Luis at Max Directed by Don Michael Perez. Mapapanood ito Monday to Friday tuwing hapon.
“I am so happy naman at hindi ako pinapabayaan ng mother network ko. Palagi pa rin nila akong nabibigyan ng project, okey na rin kahit second lead role.”
Sana someday, magbida naman ako. Hehe! At sana rin two to three shows ay magkaroon ako this year. Gusto ko rin siyempre na magkaroon lagi ng movie kahit indie films.”
Sa kanyang lovelife, happy raw siya, katunayan ay two years na sila and always in good term.
Ni Marialuz Candaba