SA PAGBALIK ni Gwendoline Ruais sa Pilipinas mula Thailand kung saan nag-judge siya sa Miss World-Thailand pageant kamakailan, hindi niya akalaing intriga ang sasalubong sa kanya. Ito ay ang isyung may attitude problem na raw siya, lumalaki ang ulo at mayabang na.
“It’s very sad na kailangan talaga ng ibang tao na maghanap ng masamang sasabihin,” aniya nang makausap namin. “Pero hindi ko naman kailangang pagurin ang sarili ko na-idefend tungkol do’n. Dahil alam ko namang hindi totoo, e. So, wala na lang akong comment. ‘Yung mga totoong friends ko, kilala naman ako. Pati ‘yong mga nakakasalamuha at nakakatrabaho ko, kilala naman ako.
“Wala naman silang sinasabing gano’n sa akin. And no matter what happens, never naman akong mag-change. Buong buhay ko naman, masyado naman akong grounded. My parents raised me really well, na wala namang magtsi-change sa akin, e. Hahaha!
“Tanungin na lang ‘yong mga nakakakilala sa akin. Pati na ‘yong mga nakakasama ko sa trabaho. Hindi ko naman kailangang i-defend ang sarili ko. Kasi, alam ko naman ang totoo, e.
“Siyempre kasi, half-French ako. So, may ibang humor ako, ‘di ba? May iba akong personality. And siyempre, alam ko naman na ‘yong personality ko is very strong. Pero ‘yong mga nakakakilala sa akin, alam nila na sense of humor ko ‘yon, e. People love you. People hate you. Wala naman akong magawa diyan. Pero, hindi naman ako naaapektuhan kasi alam ko naman ‘yong totoo, e.”
Regarding her recent trip sa Thailand , nag-enjoy daw talaga siya nang husto.
“‘Yong Miss Thailand-World Organization mismo ang kumuha sa akin para mag-judge doon. At lumakad ako sa stage kasama ang ibang beauty queens nila. And super-fun talaga kasi bestfriend ko ‘yong Miss Thailand last year na nakasama ko sa Miss World pageant sa London. It was really a lot of fun.”
Marami pa raw ibang invitations sa kanya in connection sa mga Miss World activities and events sa kung saan-saang bansa. Pero hindi pa niya alam kung ano ang sunod niyang schedule.
“Mahirap kasi, dahil iba-iba ang schedule namin (ng nanalong Miss World 2011 na si Miss Venezuela at second princess na si Miss Puerto Rico ). May mga schedule na pupunta kami sa U.K., sa Ghana, tapos sa Mongolia (na siyang sunod na host country ng Miss World pageant) pero mahirap nga na mapagsabay-sabay kaming tatlo. Tingnan na lang natin what will push through.”
Intimidated pa rin ba ang mga guys at wala pa ring nagkakalakas-loob na magparamdam o pumorma sa kanya?
“Uhm… hindi naman ako puwedeng mag-comment sa boy,” nangiti si Gwendoline. “Pero siyempre, nanu-notice ko na most of them naghi-hello lang. So, very rare are the ones who stick around and be able to utter a sentence, ‘di ba?” tawa ulit siya.
Happy naman daw siya sa pagiging single ngayon. Kahit walang special someone o manliligaw sa ngayon.
“As of now talaga, focus ako sa work. And kung merong darating, tingnan natin. Why not?” nangi-ting sabi pa ni Gwendoline.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan