MASAYA RAW si Gwendoline Ruais na may partisipasyon siya sa Miss World Philippines 2014 na ginanap kagabi at napanood sa GMA 7. Bukod sa pagiging anchor nito, siya rin ang naging official Q and A (question and answer) at catwalk trainor ng mga candidates.
Hindi ba mahirap para sa representative ng Pilipinas this year sa Miss World na manalo kasi ang reigning titlist nito ay si Maegan Young, ang first Pinay to win the crown?
Kumbaga, pambihirang mangyari na ang magkasunod na winner ay mula sa iisang bansa.
“Well it has happened to other countries in different pageants, ‘di ba? Like sa Miss Universe, Venezuela tapos Venezuela ulit. But the thing is… it’s not really about that. If it’s meant for you, it’s meant for you.”
Kahit hindi naiuwi ni Gwen ang Miss World crown nang lumaban siya noong 2011, maituturing na malaking karangalan na rin ang naibagay niya para sa bansa nang makapuwesto siya bilang first runner-up.
Bago si Gwen ay dadalawa pa lang ang naging runner-up sa nasabing beauty contest. Ang una ay si Evangeline Pascual na naging first runner up din, at si Ruffa Gutierrez na naging second runner up naman.
“I feel honored. I went there to represent the Philippines. And it was such an honor for me. And the support of all the Filipinos is so overwhelming. So, I’m very grateful and happy for the experience.”
May plano ba siyang manood ng Miss World 2014 pageant na gaganapin late part of this year?
“I’m not sure yet. Because this year it’s in London. Actually I can go. It depends if my family decides to spend the holidays in Paris or in the Philippines. Kasi if it’s in Paris, it’s just one train ride away and I can go to London. So, madali lang.”
NASA IKALAWANG season na ang travel show na Business Flight na napapanood sa GMA News TV 11. Hosts ng nasabing programa ang businesswoman na si Cristina Decena at si Venus Raj.
“Ang maganda kay Venus kapag nakasama mo siya, makikita mo ang kababaan ng kanyang loob,” sabi ni Cristina. “Sa Palawan nga no’ng nag-shoot ng isang feature doon para sa show, kumuha siya ng mga halaman sa dagat, hinugasan lang niya sa tubig tapos kinain niya. Tapos nakita ko rin, ang bilis niyang mag-daing. Sanay na sanay. Walang kakiyeme-kiyeme sa katawan si Venus. Mabait siya at saka very humble nga.”
Sa ngayon, ongoing pa rin ang pagdinig sa kaso hinggil sa tangka at nabigong pagpatay sa kanya. For resolution na ang kasong two counts of frustrated murder at attempted murder na isinampa niya laban sa hinihinalang mastermind nito.
Ang puno’t dulo raw ng lahat ay ‘yong property niya na may pitong bahay worth 250 milllion na nailipat daw ng mga ito sa pangalan nila.
“Sinampahan ko na rin sila ng four counts ng falsication at saka estafa. Dahil hindi ako pumipirma. Wala akong perang natatanggap. Isang babae rin na dating nagtatrabaho sa kanila ang nagtestigo kung paano nagawan ng paraan na mailipat sa pangalan nila ‘yong property,” kuwento pa ni Cristina.
“Nakapagpagawa sila ng titulo sa pamamagitan ng deed of absolute sale na hindi ko naman pirma ‘yong nando’n. Gumanti at sinampahan siya ng katakut-takot na kaso no’ng mastermind ng planong pagpatay sa akin. Nag-file ng kung anu-anong cases gaya ng syndicated estafa at saka qualified theft.
“Maimpluwensiya kasi kaya nagawan siya ng maraming kaso. Naipakulong sa Pasay City Jail at ang gusto ng kalaban ay mabulok siya sa bilangguan. Dahil sa nangyari, ‘yong mga anak niya ay tinutulungan ko ngayon. Binigyan ko ng trabaho para kahit papano matustusan nila ang pamumuhay nila. Kaya lang, gusto rin ng mga batang ito na makakuha ng katarungan para sa nanay nila. Gano’n na lang ba na porke tumestigo ka e puwede kang ipapatay o ipakulong?”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan