[imagebrowser id=160]
SA PANAHON ng tag-ulan, panahon ng pagbaha. Tila nitong mga nakarang linggo, may kakaiba ta-yong napansin, ang sobrang pag-uulan at pagdaloy ng tubig. Kahalintulad nga ba ito ng Ondoy o mas malakas pa? Minimum na 20 bagyo ang dumarating sa bansa kada taon. Tila marami na ang kinakabahan dahil nagdulot ng pag-ulan at pagbaha hindi lamang banta sa buhay kundi pati na sa mga ari-arian ng ating mga mamamayan. Nito lamang 2009, habang ipinaayos ko ang dapat ay 2 ½ storey na gagawin kong art gallery ay binaha ito at muli itong naulit. Tama ang sapantaha ko na delikadong pamahayan ito lalo’t natuklasan kong malapit lang ito sa dating creek na tila dumudugtong ng aplaya.
Sa wakas, hindi nga ako nagkamali, ang dating tuyo at hindi binabaha, sa ngayon mga apat na talampakan na ang taas ng tubig at karugtong na ito sa pagbaha ng aplaya sa Laguna. Sa aking tantiya, aabutin ng mga tatlong buwan bago ito humupa.
Sa mga mauunlad na bansa tulad ng Europa at Amerika, may mga programa na silang mga nakahanda tulad ng drainage at aqueduct. Gamit ito para sa mga malakihang pagbaha.
Samantala, ikinukumpura ng mga scientist ang global warming at green house gases ay mabilis na kumakalat at rumaragasa sa buong daigdig tulad ng isang tren. Isa sa mga epekto nito ay ang El Niño o sobrang tag-init at La Niña o sobrang pag-ulan.
Ayon sa Hadley Center for Climate Prediction and Reseach, pagdating ng taong 2040, ang mga summer season sa Europea ay mas magiging mainit. Dinagdag pa nila na tuluyang malulusaw ang mga yelo o polar ice caps sa Greenland na nakakaapekto sa pag-taas ng sea levels sa buong mundo. Tumatayang 125,000 taon na ang nakakaraan nang ang dagat ay tumaas nang lima o anim na metro subalit mas mataas ito ngayon. Dahil sa prediksyong ito tinataya at inaasahang mauulit hindi lang sa atin ang mga malawakang pagbaha kundi maging sa mauunlad na bansa. Panahon na siguro upang ang tao ay matuto at gumawa ng mga alternatibong paraan upang mapaganda ang buhay nang hindi nasisira ang kalikasan at napipinsala ang ating mga buhay at ari-arian.
Samantala, sa atin namang bansa, ang mga basura na gawa sa mga syntethic materials na itinatapon kung saan-saan, mga maliliit at baradong drainage systems at kawalan ng tamang pagplano ng isktratura sa mga siyudad o tinatawag na urban planning ay lalong nagpapalubha sa isang kawawang bansa tulad natin, lalo na at tayo ay third world country at nais umahon sa hirap. Dapat pagtuunan ang problema sa pagbaha at mag-launch ng mga proyekto ang ating kasalukuyang pamahalalan at maging sa mga susunod pang mga pangulo ng ating bansa, dahil ang naranasan nating malawakang pagbaha kamakailan ay isang man-made disater na maaaring maulit nang maulit pa. Sa ngayon, ang kailangan natin ay resolusyon at solusyon. Bagama’t huwag tayong mawalan ng pag-asa at manatiling positibo, maligalig man ang dagdig.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp. 09301457621; tel.382-9838.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Maestro Orobia.