INAMIN ni Hajji Alejandro na naging malaking bahagi ng kanyang singing career ang APO Hiking Society member na si Danny Javier.
May mga hindi raw siya malilimutang alaala kay Danny na pumanaw nitong nakaraang October 31, 2022.
“Ang dami, ang dami! Kasi karakter yang si Danny, eh. Ang sarap kasama niyan, barkada ko talaga, eh.
“Magkakasama kami hindi lang onstage. Golf buddies kami, pareho kaming frustrated golfer niyan, eh,” wika ng orihinal na Kilabot ng mga Kolehiyala.
Baguhang singer pa lang daw si Hajji noon pero sinamahan na siya ni Danny sa una niyang radio visit para promote an kantang Tag-Araw, Tag-ulan at Panakip Butas. In-introduce din daw siya ni Danny sa mga radio station DJs sa Metro Manila.
Nilinaw naman ng ama ni Rachel Alejandro ang isyu na suplado siya at isnabero.
“Actually, hanggang ngayon, marami pa rin ang nagsasabing suplado ako. Hindi nila alam iba ang nature ko offstage, eh. Naiiba ako pag nasa entablado ako, nagiging makapal ang mukha ko, eh. Pero offstage mahiyain akong tao talaga,” sambit niya.
Magkakaroon ng concert si Hajji kasama ang anak na si Rachel sa December 9 sa ballroom ng Winford Manila Resort & Casino na ang title ay Mana-Mana Lang.
Guest sa concert si Rox Puno na anak naman ng isa pang music icon na si Rico J. Puno at ang grupong Mojofly. Musical director ng concert si Ali Alejandro na anak din ni Hajji at stage director naman si Vergel Sto. Domingo.
Si Tony Boy Faraon ng Rotary Club of Manila ang producer ng Mana-Mana Lang.