Halaga ng buhay

NAMATAY PO ANG tiyo ko habang nagtatrabho sa Saudi. At ako ang nag-aasikaso ng death benefits niya. May nakatakda po akong pakikipag-usap sa ahensya niya para pag-usapan namin kung magkano ang aming claim. Wala po akong ideya kung paano kukuwentahin iyon. – Greg ng San Jose del Monte City

IBA’T IBANG BAGAY ang dapat mong isaalang-alang sa computation ng claim para sa death.

Una, pag-aralan mo ang kontratang nilagdaan niya. Karaniwan ay nakalagay roon kung magkano ang kanyang tatanggaping death benefits.

Pangalawa, kung walang nakalagay sa kontrata tungkol dito, pag-aralan mo rin ang mga batas sa labor ng bansang kanyang pinagtatrabahuhan.

Pangatlo, maaari mo ring gamiting basehan ang mga probisyon ng labor law natin dito sa Pilipinas.

NAMATAY PAGKATAPOS NG KONTRATA

NAMATAY PO ANG asawa ko matapos na siya’y makabalik sa Pilipinas. Nang kinukuha ko na po sa employer ang mga benefits niya, sabi nila’y hindi raw qualified ang asawa ko dahil nakuha niya ang sakit pagkatapos ng kontrata. Pero wala naman po siyang sakit bago siya nagtrabaho sa abroad. At malamang nakuha niya ang sakit noong nagtatrabaho siya sa abroad. Nasa katwiran po ba ako ‘pag nagsampa ako ng kaso? — Marife ng Carmona, Cavite

DEPENDE SA EBIDENSYANG ipiprisinta mo at ng employer. Kailangang mapatunayan kung nakuha niya ang sakit habang may bisa pa ang kontrata. ‘Pag ganito, may habol ka. Pero ‘pag napatunayan ng employer na tapos na ang kontrata nang siya ay magkasakit, wala ka nang habol.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleBoy Abunda, mababaw ang kaligayahan!
Next articlePagkatapos ng soul searching sa Europe KC Concepcion, okay na raw ayon kay Sharon Cuneta

No posts to display