Masuwerteng nasilipan ng ating kamerang-gala ang set ng Hating Kapatid, ang pelikulang pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo. Marami na ang nag-aabang sa pelikula ng dalawang superstars na ito at kapansin-pansin din sa mga piktyurs na ‘tila enjoy na enjoy ang cast and crew ng nasabing movie.
Ang Hating Kapatid ay ipapalabas na sa July 19. Kasali rin sa movie sina Gina Pareno, Cherry Pie Picache, Tonton Gutierrez, JC de Vera at Luis Manzano. Makihati na sa kakulitan!
By Mica Rodriguez
Photos By Parazzi Wires
Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service