Halintulad ni Kabang

TUMULAK KAMAKAILAN si Kabang sa U.S. para sa reconstructive surgery ng kanyang mukha. Si Kabang ay isang 2-taong gulang na asong askal na tinang-hal na bayani dahil sa pagligtas ng dalawang bata sa isang rumaragasang motorsiklo nu’ng nakaraang Disyembre sa Zamboanga City. Ang surgery ay gagawin sa University of California Davis Veterinary Medical Hospital for maxillo-facial operation. Sinamahan siya ni Anton Mari Lim ng Animal Welfare Coalition. Mahigit na $20,000 ang nalikom sa biyahe at pagpapagamot.

Ang kabayanihan ni Kabang ay kumurot sa puso ng maraming animal pet lovers sa buong mundo. ‘Di iilang delegasyon ng pet lovers ang bumisita sa Zamboanga para bisitahin at tignan ang kalagayan ni Kabang. Ang lokal na pamahalaan ay tumulong din sa gastusin.

Ako man ay ‘di makapaniwala sa reaksyon sa kabayanihan ni Kabang. Sa isang pakiwari, ito’y nagbabadya ng pagkauhaw natin sa kabayanihan sa ating pang-araw-araw na buhay. Araw-gabi, TV-radyo at pahayagan, lagim, sakuna, patayan at kataksilan ang bumubulaga sa atin. Parang walang magandang nangyayari.

Ngunit sa katotohanan, maraming kabayanihan ang tuwina’y nangyayari sa ating paligid. Katulad ng isang batang babaeng mag-aaral sa Camarines Norte na itinaya ang buhay sa rumaragasang baha para kunin sa flag pole ng kanyang paaralan ang bandila natin. Nangyari ito nu’ng pananalasa ng bagyong “Ondoy”.

Kamakailan, isang taxi driver ang nagsauli sa isang radio-TV station ng mahigit na P2-M na naiwan sa kanyang sasakyan ng isang turista. Tumanggi siyang tumanggap ng pabuya.

Kung ang kabayanihan ang likas sa isang asong askal, dapat mas likas ito sa tao na may wastong damdamin at pag-iisip.

‘Di ba tayong lahat ay dapat maging kahintulad o higit pa kay Kabang?

SAMUT-SAMOT

 

MALAKAS ANG clamor ng maraming sports organizations para sa pagtakbo ni businessman Manuel V. Pangilinan bilang chairman ng Philippine Olympic Committee. Ayon sa kanila, panahon na upang palitan si Peping Cojuangco sa POC. Tatlong termino na si Peping subalit walang pagbabago sa national sports development ng bansa. Sa mga nakaraang ASEAN at Olympic tournaments, kulelat tayo sa panalo. Dahil walang nakalatag na comprehensive sports development program. Panahon nang patalsikin ang mga pulitiko na kapit-tuko sa POC. Ang pagmamahal at liderato sa sports ay mahigit na ‘sang dekadang ipinamalas ni MVP.

EWAN KUNG malulungkot o matutuwa ako sa pagsabak ni Atty. Leni Robredo sa pulitika. Bakit siya nagpabuyo? Sapat na manahimik na lang siya at asikasuhin ang kapakanan at kinabukasan ng kanyang tatlong anak. Ano ang mahihita niya sa maruming pulitika?

KAMAKAILAN, SA isang pang-gabing programa ng ‘sang dambuhalang radio-TV network, special guest ang isang kilalang-kilalang gay TV host at brodkaster. Dito niya pinangalandakan ang pakikipag-live-in sa isang lalaki na tumatakbo na ng tatlong dekada. Walang pa-kundangang binanggit ang pangalan ng live-in partner sabay dighay ng malalapot na “I love you”.  Pinapatay ko agad ang TV sapagkat may mga apo akong nanonood. Napakalaswa. Ganyan na ba ang moralidad sa ating lipunan?

AFTER MORE than 50 years, a man will try to make history by becoming the first one to successfully make a free fall dive from 120,000-feet high. To be carried by a stratospheric balloon, Austrian renowned skydiver Felix Baungartner will make the jump on Nov. 18 at a site location in Rosewell, New Mexico, U.S. Baungartner is part of the entire Red Bull Stratos team, a team composed of a unique assembly of professionals and NASA officers. The team is aiming to write history in trying to complete the highest manned balloon flight, longest time in fierce fall, reaching supersonic speed in free fall and free fall from highest altitude.

KAAWA-AWA ANG pitong co-accused ni da-ting Pangulong GMA sa PCSO P350-M plunder case. ‘Di sila personal na nakinabang sa nawaldas na salapi sapagkat ang halaga ay diretso na pumunta diumano sa bulsa ng

dating Pangulo. Sa bisa ng marginal notes ni GMA, pinayagan ng board of directors ang release ng budget. ‘Di ito na-account nang inusig ng COA. Tsk. Tsk. Tsk. Ngunit tila walang naawa kay dating PCSO Chair Manoling Morato. Hospital arrest siya sa St. Luke’s at balita’y may malubhang sakit sa puso at baga. Mara-ming tao ang inalipusta ni Morato sa kanyang tabloid column. Isa na akong naging biktima niya. Walang kasamaang ‘di pinagbabayaran. Subalit pinatawad ko na siya.

PATOK SA takilya ang Star Cinema movie na “This Guy’s In Love with You, Mare” starring Toni Gonzaga, Luis Manzano at Vice Ganda under the direction of Wenn Deramas. Ayon kay Luis, pinaghalong simple at kumplikado ang tema ng kanilang pelikula na tiyak kakaaliwan ng lahat. “’Yung character ko rito na si Mike, nagkataon na involved in colorful relationship. Minamahal niya si Lester (Vice) at nagkataong nahulog din ang loob niya kay Gemma (Toni) ani Luis. Ang pelikula ay todo sa patawa.

PLANO NI dating Pres. Erap na gawing high level ang campaign nila ni Isko Moreno sa Maynila. Mabuting balak. Dapat i-focus sa programa sa pag-aangat sa Maynila sa lusak ng mismanagement at kapariwaraan. Sana’y kampo ni Mayor Lim, ganito rin ang gawin. Magtunggali sila nang tahimik at mahinahon. Ito ang gusto ng manghahalal. Program. ‘Di batuhan ng lason at putik.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 133 October 24 – 25, 2012
Next articleWalang Bilib ang Koreano sa Pilipino!

No posts to display