BLESSING IN DISGUISE ang pagbalik ko sa paniniga-rilyo nito lamang nakaraang linggo.
Dati na tayong “heavy-smoker”, parekoy, pero noong huling linggo ng Oktubre ay nagpasya tayong itigil ito bi-lang paghahanda sa radio program ALARMA 1530 (Lunes-Biyernes, 6-7 am) na magbubukas noong Nobyembre 8 ng nakaraang taon.
Dahil solong anchor sa nasabing commentary program, kaya minabuti nating paghandaan ito, lalo na sa pamamalat.
Unang-una na nga ang pagtigil natin sa pagyu-yosi.
Sa hindi malamang kadahilanan, ito nga tayo, muling nagbi-bisyo!
Pero, rito sa bagong kaganapan sa buhay ng mga naninigarilyo, gaya nga ng sinabi natin, naramdaman ko na ang pagbabalik sa paninigarilyo ay “blessing in disguise”.
Bakit? Dito ko masusubok, parekoy, ang aking pagkatao, pagkalalaki at paninindigan.
Na hamunin ng isang “dugyot” na kagaya ko ang isang Pangulo.
Na kung ititigil niya ang paninigarilyo, agad din akong titigil sa pagyu-yosi!
Isang Pangulo, hinamon ng “dugyot” na mediaman!
Kung ang isang Pangulo ng bansa, alang-alang sa magandang ehemplo ng self-discipline ay tumigil sa paninigarilyo, sino tayo, parekoy, na hindi susunod?
After all, mahal na Pangulo, pangalawa na lang ‘yon, sa totoo lang.
Una sa lahat ay para rin ito sa ating kalusugan!
‘Wag ka sanang mao-offend, mahal na P-Noy, hindi po ito hamunan ng pagkalalaki at paninindigan sa salita, bagkus ay paglalagay ng isang magandang halimbawa.
Na kung ang isang Presidente at “dugyot” na mamamahayag ay nanga-ngako… ito ay tinutupad!
Malay mo, malay ko, malay nating lahat, marami pala ang susunod!
Naniniwala po ako na kayang-kaya mong supilin ang kurapsiyon sa ating gobyerno.
Bisyo lang po ito mahal na Pangulo, kaya nating supilin ito!
INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09152121303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303