KESA sa pinatututsadahan ni Willie Revillame ang mga kaibi-gang Randy Santiago at John Estrada dahil sa pagtanggap ng mga ito ng noontime hosting job sa ABS-CBN, a most ideal scenario is for TV5 to transfer Willie’s Willing-Willie sa tanghali, at maglabu-labo na sila ng Eat Bulaga!
Hindi pa man, pinangunahan na ni Willie ang malabong pagre-rate ng bagong ABS-CBN show.
On that note, agree kami sa kanya. Banggain ba ang Eat Bulaga, na sa loob ng maraming taon ay hindi naman natinag?
EB has seen its rival shows come and go, ni-repackage na’t lahat, pinabongga kuno yet all of them have seen “death” at its most tragic. Pero kung hinahamon din lang ni Willie sina Randy at John, let his challenge be TV5’s programming concern.
Nagpapakaagresibo rin lang ang Kapatid Network, maanong three-sided pukpukan na ang maging labanan: Eat Bulaga, Willing-Willie at ang bagong noontime program ng Dos?
Only then can Willie lay claim na angat ang kanyang show, but definitely not over Eat Bulaga. This time around, hindi na ito trabaho lang, personalan na.
BLIND ITEM: How about provinces assigned to the names of the following characters?
Pumalag si Romblon sa mga negatibong naisusulat tungkol kay Leyte, kesyo hindi raw ‘yon makatutulong sa proyektong pinagsasamahan nila. But how can Romblon help it? Nitong mga nakaraang araw, talaga namang in the news si Leyte, lalo’t ginamit pa siyang dahilan sa kaso ni Samar.
Walang dapat sisihin si Romblon kundi ang nasa likod mismo ng proyekto nila ni Leyte, dahil kung hindi ito pinasipot sa isang pagtitipon kamakailan, hindi sana ito kinuyog ng press.
Kung tutuusin, wala namang dahilan para umastang maangas si Romblon, whatever issue involving Leyte has nothing to do with their project.
In fact, masyado na ngang bugbog sa publicity ang kanilang proyekto, na sa sobrang hardsell promo nito para lang makasigurong papatok ito, kumbaga sa pagkaing mayaman sa cholesterol, nakakaumay na!
Will somebody please give me a tiny piece of bukayo, pampaalis ng suya?!
Teka, kelan pa naging press-unfriendly si Romblon? Never naman itong naging image niya, ah?
Ayokong isipin na malayo talaga siya kay Denmark. Ay, hindi na pala ito province! Malayo talaga dahil sa Europe ang Denmark!
OUR condolences to the family and relatives of Ret. Gen. Angelo Reyes. Sa maikling VTR feature ng kanyang simulain hanggang mapabilang sa gobyerno, I could not help but be starstruck by the gentleman’s looks when he was much younger.
Marami kasi sa kanyang mga anggulo sa litrato ay may pagkakahawig kay Vhong Navarro. Hindi ko rin napigilang maikunek ang pelikulang Bulong ni Vhong which opened last Wednesday.
Martes ng umaga nang magbaril sa sarili ang retiradong heneral sa puntod ng kanyang mga magulang, tila may ibinulong muna sa mga yumao bago isinagawa ang pagpapakamatay.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III