MASAYANG-MASAYA ang Revival King na si Jojo Mendrez sa pagkakapanalo ng ni-revive niyang kantang Handog bilang Revival Recording of the Year sa katatapos lang na 11th PMPC Star Awards for Music na ginanap sa SM Skydome last January 23.
Natalo ni Jojo ang ibang nominado sa naturang kategorya na katulad nina Erard (Be My Lady), Kyla (Even The Nights Are Better), LA Santos (Isang Linggong Pag-ibig), Ronnie Liang (Ligaya), Jona (Ngayon at Kailanman) at Sarah Javier (Sana Ngayong Pasko).
Aminado si Jojo na marami ang nagbabala sa kanya na huwag i-revive ang Handog ni Florante dahil may hatid daw itong kamalasan na siyempre ay hindi naman niya pinaniwalaan.
“Bago ko gawin ang Handog ang daming nag-warning sa kin na wag kong gawin kasi parang farewell song. May nakakabit daw na sumpa ang kantang yan.
“Nagkakasakit o may hatid na negative vibes daw ang kanta. Hindi naman ako naniwala, pero kinabahan ako. Na-surprise ako ng prinopromote ko na ang song dahil belive it or not pabalik-balik ako ng hospital.
“Limang beses akong na-shockwave. Nag-block ang kidney stone ko at paulit ulit. Lagi akong naisusugod sa ER at na-confine ng almost a month. Then ang mama ko nadulas, nagka-fractur sa arm at until now ay nagpapagaling pa rin.
“Ang brother ko, katatapos lang few days ago ng andioplasty. Twice siyang nag-andioplasty and almost P1.5M ang hospital bills,” kuwento ng singer sa amin.
Patuloy niya, “Kaya nung Star Awards, parang na-blanko ako at di ko alam ang sasabihin ko. Parang mixed emotion kasi may negative at positive effect na nangyari.”
Magkaganun man, malaki raw ang pasasalamat niya sa PMPC sa naturang pagkilala.