BUSY MAN sa kanyang acting career, masigasig at laging may panahon si Dingdong Dantes para sa relief operations na isinasagawa ngayon ng kanyang Yes Pinoy Foundation. At nagpapasalamat daw siya na marami ang sumusuporta sa kanya kaugnay nito.
“Tuloy-tuloy lang ‘yong pagtulong na ginagawa naming pagtulong,” aniya nang makausap namin sa isang simpleng Chritsmas Party na handog ni Perry Lansigan at mga artists ng PPL Entertainment Inc. para sa movie press kamakailan.
“Lahat naman ng tao, may ginagawa, eh. Kahit maliit man o malaki, everyone is onvolved. Hindi lamang naman po ako. I’m sure lahat po tayo rito eh, may malasakit at kumbaga ay gustong tumulong sa ating kapwa.”
Hindi rin biro ang ginagawa niyang efforts ngayon to help the calamity victims in the Visayas region. Bukod sa stress at pagod, kailangang lagi ring may available na pondo para rito.
“Actually, lahat po ito eh… tulong-tulong ng mga kaibigan. Kung may inilabas ako mula sa sarili kong bulsa, siguro isang halaga na mapaandar lang siya.
“Pero ‘yong mga donasyon eh, talagang dumadagsa ho talaga. Sa dami ho ng mga gustong tumulong, minsan nga ‘yong iba eh, hindi nila alam kung saan sila magbibigay. And mapalad kami na napili kahit papano ‘yong organization para ipagkatiwala nila ‘yong kanilang mga donation. So ako, bilang responsibilidad ko naman, sabi ko… sisiguraduhin ko naman na makakarating ‘yan. At iyon ang ginawa ko naman talaga.”
Ang girlfriend niyang si Marian Rivera, nakasuporta lagi sa kanya. Bagay na ipinagpapasalamat din daw ni Dingdong.
“Siya ay isang malaking supporter. At isa sa malaki ang paniniwala. Kaya nagpapasalamat din ako sa kanya. Sa kanyang oras, effort, at… marami-rami na rin ang nai-donate niya.
“Masaya ako na maraming tumutulong. May isang grupo ng mga doctor na kakakausap ko lang, gusto kaming gawing beneficiary. And… marami. Marami talagang mga iba-ibang grupo rin na tumutulong. Hangga’t kailangan ng mga kababayan natin sa Visayas, patuloy lang ang aming pagtulong.
“Oo naman. Kasi, especially now na si Senator Ping Lacson came into the picture. Siyempre saka natin malalaman kung ano ‘yong malinaw na mangyayari. But until there is such direction, siyempre hindi titigil ang pagdagsa ng mga tulong. Sabi nga niya (Senator Ping), he encourages the private sector’s help. And tayo… that’s where we stand. And I’m happy that there’s a clear direction on who is on top of it. Eh, alam naman natin na hindi siya madali. But the fact that he took responsibility. And talagang inako niya at talagang willing siyang gawin, it means that you know… we have someone to be accountable for. We have someone to approach if we’re willing to contribute something. Ngayon alam na natin.”
Dahil sa hirap na dinaranas ngayon ng mga biktima ng bagyong Yolanda, tipid daw sa pamimigay ng Pamasko si Dingdong sa mga mahal sa buhay.
“Parang dapat, eh. Kasi… hindi naman sa ano, ha… hindi naman sa walang ibibigay. Pero siguro sa mga panahon ngayon, kailangang mas may kahulugan na. Hindi lang ‘yong tipong… ibibigay mo dahil may extra kang pera. Or hindi ‘yong… ibibigay mo dahil alam mong gusto niya.
“Pero kung isang bagay na makabuluhan na ibibigay mo na alam mong hindi makalilimutan sa Paskong ito. Isang malaking catastrophe ang nangyari sa atin. Which we hope will never happen again. So, in a way, maging simbulo siya na… itong Paskong ito, nagkaisa tayo. Nagtulung-tulungan tayo. ‘Di ba? Isina-isantabi natin ‘yong marahil ay konting kaligayahan natin para mapagbigyan ang kaligayahan ng ibang tao.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan