Haplos sa kaluluwa

NAPUKAW ANG AKING pagkaidlip ng isang immortal na kundiman ni Ruben Tagalog, Ang Dalagang Pilipina. Paki-lakas ang volume, sabi ko sa aking drayber. Pumalaot sa malamig na aircon ng kotse ang awitin. Pinupuri ang katangian ng dalagang Pilipina! Mayumi, banal ang puso, perlas ang kaluluwa. ‘Di maipaliwanag na kaligayahan ang sumaklot sa akin. Para sa kaalaman ng iba, si Ruben Tagalog ang niluklok na Hari ng Kundiman noong dekada ‘50 – ‘70. Malaginto at maaya kanyang tinig. Tinig na wala pang maaaring ihambing sa mga nakalipas at kasalukuyang Pilipinong mang-aawit ng kundiman.

Bakit ang kundiman at si Ruben ang paksa ko? Ang ating tubong kundiman ay salamin at tinig ng kaluluwa ng ating kultura at lahi. Sila ang nagpapaalala ng ating magiting na kasaysayan bilang Pilipino at isang bansa. Magiting at makasaysayan ang ating bansa na dapat sa ating henerasyon at sa mga susunod pa ay ipagmalaki, ipaglaban at pagyamanin.

Dapat nating imulat ito sa ating mga anak at apo na ngayon ay lublob ang pag-iisip sa computer technology araw at gabi.

Sa pagbasa ko muli sa aklat ni Gat. Jose Rizal, Noli at Fili, nadiskrubre ko ang kagitingan at itinurong pagmamahal sa bayan nila. Si Rizal ay totoong isang super genius at super patriot na dapat lalo na ngayon ay ating lakas at inspirasyon sa pagpapaunlad ng ating bayan.

Malalim ang haplos sa kaluluwa ng kundiman ni Ruben. Kasing lalim ng aking pagmamahal at pagmamalasakit sa ating tinubuang lupa na hanggang ngayon, nakagapos pa sa tanikala ng kahirapan, kurapsyon at ‘di pagkakaisa.

ANG 82-ANYOS PALANG puso ay puwede pang tumibok sa bagong pag-ibig. Ito ang istorya ng isang Austrian actress na isinantabi ang kaharian, kayamanan at kapangyarihan para sa pag-ibig niya sa isang 42-anyos na commoner. Pambihirang sakripisyo at pagmamahal.

Sa aking minsan isang buwan na pamimigay ng pagkain sa mga bilanggo sa San Juan City Jail, nakamalas din ako ng isang pambihirang pagmamahal. Tungkol sa isang payat at tila tubercular na babae na ayon sa mga tanod ay araw-araw na binibisita ang asawa sa bilangguan. Sa loob daw ng halos ng tatlong taon, walang paltos ang pagdalaw. Kalimitan pa, pinapagalitan siya ng asawa ‘pag ‘di gusto ang dalang pagkain at walang pera na maibigay.

Kagaguhan ba ang pagmamahal ng babae? Kahit anong uri ito, ang pagmamahal ay pagmamahal.

SAMUT-SAMOT

WALANG NAGING BALAKID ang approval ng Commissionon on Appointments (COA) sa confirmation kay Commission on Audit (COA) chair Grace Pulido-Tan. Dapat lang. Very qualified si Tan sa posisyon at superlative sa kanyang experience at academic credentials. Dating Usec for Finance siya nu’ng panahon ng dating pangulong Erap at GMA. Bar at CPA topnotcher. Nanggaling sa isang marangal at professional na angkan. Si Tan ang naglilinis ng imahe ng ahensya para maibalik dito ang kredibilidad na nawala nu’ng panahon ni GMA. Congrats, Grace!

TAMA ANG LOGIC ni former Sen. Ernie Maceda sa kanyang Star column kamakailan. Ang pag-aarmado ng mga cabinet members — katulad ni Ronald Llamas — dahil sa mga death threats ay nangangahulugan ng severe breakdown ng law and order. Kung hindi kayang protektahan ng kapulisan ang gabinete, ano pa kaya ang ordinaryong mamamayan. Hoy, gi-sing, anti-crime czar! Este, meron ba?

SA TINUBUAN KONG bayan ng San Pablo, Laguna, napabalita ang pagka-masaker ng isang pamilya (lima ang biktima) sa kamay ng isang kapit-bahay. Malagim na pangyayari. Salamat at nahuli na ang kriminal. Ano ang mensahe nito? Talagang ‘di pa stabilize ang peace and order at ang kapulisan ay inutil.

TILA NALAMATAN ANG pagtitiwala ng publiko sa St. Luke’s Hospital. Hanggang ngayon, ‘di pa gumagaling si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa spine ailment. Makabubuting sa abroad na siya magpatingin. Buhay niya ang on the line. Let us wish her well.

Quote of the Week

My Goodness

Notice how some people use the expression my “my goodness” whenever they criticize other people. Is it because they put so much weight on their goodness and righteousness instead of on God’s goodness and their sinfulness?

Next time you are tempted to look down on other people “who are less holy” than you, just say, “God’s Goodness.”

A moment with the Lord

Lord, help me to focus on Your goodness and not on my goodness.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleKing of smugglers at sugal sa Calabarzon
Next articleModus ng mga taxi!

No posts to display