NOONG NAKARAANG Miyerkules, September 9 ay ini-launch ng Sony ang 20th anniversary ng PlayStation at ipinagdiwang nila itong selebrasyon na ito nang may sorpresa sa mga gamers tulad ng mga malalaking discount.
Sa North America, kung saan ang original na PlayStation ay ni-launch, mahigit 100 titles para sa PS4, PS3, PS Vira, at PSP ay mayroong discount na up to 70% off kasama ang mga laro na may discount din tulad ng mga laro na Diablo III, Reaper of Souls, The Undead collection, Monster Hunter Freedom unite, Syphin filter, Call of Duty, at marami pang iba.
Karamihan sa atin siyempre ay pamilyar sa PlayStation, lalo na ang mga batang 90s, pati na ang mga kids at heart. Ika-20 anibersaryo na pala nila at naaalala mo pa ba ang unang PlayStation1 o PS1? Lakas maka-throwback dahil bago ang iba pa, ito ang nauna.
Ano nga ba ang PlayStation? Ang PlayStation ay isang home video game console na dinebelop at minarket ng Sony Computer Entertainment. Ini-release ito sa Japan noong December 3, 1994 at ini-release naman ito sa North America at Europe noong September 1995, kung saan ngayon ay 20th anniversary nila. Ang PlayStation ay ang unang computer entertainment platform na nag-ship ng mahigit 100 million units.
Ang PlayStation ay nakipagkumpitensya sa Nintendo 64 at Sega Saturn. Bago pa man din iyon, in-approach ng Nintendo ang Sony na mag-develop sila ng isang CD-ROM Add-on na tinawag nilang SNES-CD. Ito ay choice ni Ken Kutaragi. Si Ken Kutaragi ay isang Japanese at ipinanganak nu’ng August 2, 1950. Siya ay isang former Chairman and Group CEO ng Sony Computer Entertainment at kinikilala rin siya o tinawag din siya bilang “The Father of the PlayStation”.
Tila nakami-miss nga naman ang unang PlayStation dahil ang lakas maka-throwback nu’ng kabataan pa lamang. Nakami-miss ‘yung PS1 moment kasama ang inyong mga kapatid, o kaibigan, at hanggang pagtanda ay naglalaro pa rin mapa-latest version man ng PlayStation o iba’t ibang game console na.
Nakami-miss ang mga moment na nilalaro n’yo ang PlayStation 1, tulad ng simula ng pag-on, ang tunog nito tila marami sa atin ay pamilyar pa rin at ‘yung tipong sa ibang pagkakataon ay hinihintay mong tumuloy ang simula nito dahil maaaring ‘yung game ay ayaw tumuloy o gumana.
Nakami-miss din ang mga unang games na puwedeng laruin dito, pero kahit ngayon pa man ay ang ibang games din ay nagle-level up o na-develop din para sa maraming version nito. Iba sa atin ay hindi makalilimutan ang mga laro tulad ng Tekken na tila may kanya-kanya tayong favorite na avatar o character na gamitin.
Ang Crash Bandicoot na isang racing game na may iba’t ibang stage at iba’t ibang character ang ating gamitin. Ang Pepsiman na walang ibang ginawa kundi tumakbo pero nakaka-excite at napakaganda rin na laro ito, Silent Hill na nakatatakot at nakagugulat. Nakami-miss din ang moment na iningatan mo ang memory card baka masira o mawala ang mga sinave natin doon, pati ang controller nito.
Noong taong 2000, dinebelop na ang tulad ng PS1 na manipis, ang successor nito, ang PlayStation 2 o PS2, at hindi lang iyon ay lumabas na rin ang mga level up na gadget o technology, o game console tulad ng PS3, PS4, PSP, X-box 360, Nintendo Wii, at iba pa. Marami man ang bago pero kahit anuman ay ayos lang, dahil iisa naman ang goal nito, ang magbigay-saya sa mga gamers.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo