Harana De Candidatura 2013

ISANG MAGANDANG halimbawa ang ginawa ng UH HIRITAN ng GMA network, isang programa na nagpi-feature ng senatorial candidates sa darating na eleksyon. Ito ay naglalayong ipahayag ng mga tatakbo kung ano ang kanilang mga layunin upang mapaglingkuran ang bayan. Ang mga host ay sina Arnold Clavio at Mareng Winnie Palma. Ang paglalatag ng kanilang plataporma ay isang hakbangin na maaaring magdala sa kanila sa pagkakaluklok sa kanilang inaasam nga puwesto.

Makikita at makikilala rin natin sa programang ito kung anong mga attitude meron ang isang kandidato kung sila ay patawa o seryoso sa kanilang napiling propesyon. Ang palabas na ito ay walang iba kundi magtagisan ng talino ang mga nagnanais umupo sa puwesto ng pamahalaan.

Sa pangangampanya naman, makababawas kaya sa kanilang popularidad at pagkakakilanlan sa mga botante kung ‘di sila maglagay ng mga billboard at tarpaulin at iba pang print ads na idinidikit sa mga pader at pinamimigay sa mga tao sa kalsada? Sa dami ang kanilang paraphernalia ay makatitipid ba sila? Kung sila man ay manalo, babawiin ba nila ito sa kabang bayan?

Sa isang banda, ang mga pangako at ang mga plataporma ng mga kandidato sila man ay maluklok nawa ay hindi mabaon sa limot. Katulad ito dapat ng pako sa isang pader na nananatiling nakabaon at ‘di mahuhugot.

Buweno, walang dapat gawin si Juan kundi magtiwala at pumili ng karapat-dapat iboto at maluklok sa puwesto, dahil ito ay gawaing matuwid at pagsuporta sa demokrasya sa ating bansa.

Kahit sino basta may layunin at kayang panindigan ang kanilang kandidatura ay may malayang ipahayag ang kanilang mga layunin kung bakit sila tumakbo bilang isang pulitiko.

JUVENILE DELINQUENT

Nakababahala kung 18 years old lang ang edad ng isang nagkasala sa batas bago ito makulong at ituturing itong hindi na juvenile delinquent, samantalang dumarami ang bilang ng mga mas batang edad ang nagkakasala at nagagamit sa krimen.

May mga nagpapanukala din namang dapat managot din ang magulang ng mga tinuturing na juvenile delinquent at bigyan sila nga ng kaakibat na parusa. Dahil ang foundation ng isang bata anila ay magmumula sa loob ng bahay bago sa kanilang kapaligiran. Ang kanilang pamumuhay sa loob ng tahanan ay maghuhubog kung magiging sino sila. Oo, nga naman dapat maliwanagang mabuti ito, dahil akala ng mga kabataan ay libre na silang gumawa ng krimen dahil sa  pangangalaga lamang sila ng DSWD sila mapupunta.

Siguro kaysa kumupkop ang nasabing ahensiya ay bigyan na muna ng pansin ng gobyerno, partikular ang mga kabataang nanirahan sa depressed areas, kung ano nga ba ang ugat na maaaring pagkasangkutang krimen ng mga kabataan. Marahil magkaroon sila dapat ng ibayong programa sa kahirapan at ipakita ng ating pamahalalan na handa itong tumulong kung papaano mamuhay nang tama lalo na kung maraming mga anak. Buweno, dapat lamang na kung saan nananatili ang kahirapan ay doon din dapat mas pag-ibayuhin ang batas na ito at doon tulungan.

Marahil sa tamang impormasyon tungkol sa mga sagutin sa batas, maaaring masuweto ang mga gagawa nito. Maaari rin itong gumabay upang sila ay makaahon sa kahirapan na pangunahing nagdudulot ng mga krimen sa lipunan.

Samantala, may mga alternatibong pamamaraan ang ating pamahalaan na maaaring gumabay sa mga kabataan na kailangan lamang lubusang ipaliwanag sa mga ito. Una, ipakita ang tamang edukasyon at mag-aahon ito sa kahirapan, kaya maiiwasan ang makagawa pa ito ng krimen. Pangalawa ay ang hindi pagpapaapekto nang lubusan sa hindi maganda sa kapaligiran, at pangatlo na handang tumulong ang pamahalaan sa kanyang mamamayan.

Ang tamang edukasyon ang huhubog sa laban sa kriminalidad sa ating lipunan. Alalahanin natin na may kasabihan na ang malusog na mamayan ay nagpapakita ng isang malusog na bansa. Ngunit ‘pag nakikita ang kahirapan, tila may mga tiwali na mga nakaluklok sa pamahalaan.

Ito ang larawan ni Maestro Orobia. For comments and suggestion: e-mail [email protected]; cp#. 09301457621

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

Previous articleGobernador na artista, inaayawan na ng kababayan dahil sa poor performance
Next articleBaguhang starlet, kinaiinisan ng mga manager dahil daw sa paglalandi sa kanilang mga alaga!

No posts to display