MINSAN AY naabutan ko sa bahay ang teleseryeng Juan dela Cruz. Naaliw ako sa eksenang hinaharana ni Juan (Coco Martin) ng kantang Sa Isang Sulyap Mo si Rosario (Erich Gonzales) kasama ang kanyang tropa. Nakatutuwa lang panoorin kasi sa panahon ngayon na kasimbilis magpalit ng damit ang takbo ng teknolohiya, maraming kabataan ang idinadaan ang panliligaw sa pamamagitan ng mga texts, emails, at ibang social networking sites. Kaya naman watching Juan’s serenade brought back happy memories of my younger years in the province.
Noong ako’y bata pa, naabutan ko pa ang harana. Tuwing may bagong dating na dalaga mula Maynila ay asahan mo ang mga binata na mag-uumpukan sa isang sulok dala-dala ang kanilang mga gitara para magpraktis ng kanilang harana. At pagsapit ng dilim ay maririnig mo ang kanilang kantahan sa saliw ng mga gitara.
One of the most famous Tagalog serenades is O, Ilaw by Ruben Tagalog. The lyrics say, “O ilaw, sa gabing madilim wangis mo’y bituin sa langit.” In this song, the man compares the woman to a star in the dark night and asks her to wake up and open the window for him. Ruben Tagalog first caught the radio listeners’ attention in the 1940s when he hosted his own radio program, Harana ni Ruben Tagalog. (Wikipedia).
May mga pelikula noong araw na mayroong mga eksena kung saan ang isang lalaking nagmamahal ay nanghaharana para suyuin ang babaeng itinatangi. One of these classic films is Pakiusap (1940) starring Rudy Concepcion and Rosario Moreno where the landlord’s son disguises himself as a peasant in order to serenade a beautiful country lass. Francisco Santiago’s immortal kundiman is sung on top of a papier-mâché swan in a fluvial parade while the son plans to rescue his beloved from an unwanted marriage.
Sa pelikulang Operetang Sampay Bakod (1960) naman ay hinarana ni Jose Mari Gonzales ang kasintahang si Amalia Fuentes dahil sila ay nagkatampuhan. Hanggang ngayon ay mapapanood pa rin sa YouTube ang nasabing eksena. Hindi ko alam ang title ng kanta but the lyrics speak about pure love, “Huwag ka nang magtampo, oh aking hirang. Pagka’t ang mahal ko ay ikaw lamang. Kung ikaw’y lilisan, ako’y magdaramdam. Pagka’t ang aking puso ay tanging iyo lamang.”
Kung ang pakiusap ng Eraserheads sa kanilang kantang Harana ay “Buksan mo ang ‘yung bintana. Dungawin ang humahanga. Bitbit ko ang gitara at handa nang mangharana”, nagtatanong naman ang Parokya ni Edgar kung “Uso pa ba ang harana?”
Pero sa totoo lang, may nagkuwento sa akin na mayroon pa ring mga nanghaharana hanggang ngayon. A close friend shared that her cousin was surprised when she went to her friend’s province for a vacation. Wala raw siyang kaalam-alam na iyong guwapong kapitbahay ng kanyang kaibigan ay haharanahin siya that night she arrived from Manila. Although she only stayed in the province for one week, naging memorable naman ang kanyang experience dahil first time niyang hinarana.
At meron pa. I have a friend na nanliligaw via harana using the technology of Skype and mobile phone.
Isang patunay na buhay na buhay pa rin ang harana.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda