Harbor Lights

MAHIGIT NANG sampung taon ko siyang kapit-bahay sa isang subdivision sa Pasig City. Nagkakawayan at san-daling nagbabatian ‘pag kami’y nagkakasalubong paminsan-minsan. Mr. Trillanes ang nakagawiang kong tawag sa kanya. 60 edad, matipunong pangangatwan at laging may ngiti sa mukha. Pagkaalam ko, isa siyang seaman. Tatlumpung taon na rin siyang naglalayag sa iba’t ibang panig ng mundo. Dalawang beses siyang umuwi kada taon na tinataon niyang Pasko at kaarawan niya.

Paminsan-minsan, pinadadalhan niya ako ng postcards ‘pag siya’y nasa bansang may magagandang tanawin kagaya ng Amerika at Europe. May lagi rin siyang pasalubong na cheese at wine na sinusuklian ko ng native fruits. Palibhasa, kapos ang panahon niya sa pamilya, bahagya lamang kaming nakapag-uusap.

Nu’ng ‘sang linggo, dumaan siya sa bahay at masayang ibinalita, “retired na ako, age 60.” Give me five. Ngayon, magkakasama na tayo at matagal nang magkukwentuhan. Wika ko. At simula noon, gayon na nga ang nangyari.

Sa loob ng 40 taon, ang daigdig niya ay tubig, alon at dagat. Mga kaibigan niya ay dambuhalang ibon at sumasayaw na dolphins. Napakalungkot na hanap-buhay sapagkat malayo siya sa pamilya at kaibigan. Ngunit sa mahabang panahong ito, nakapag-pundar siya sa buhay. Isang kumportableng bahay, 3 sasakyan at napagpatapos na niya ang tatlong anak na ngayon ay may kanya-kanyang hanap-buhay.

Napakaganda at maunlad ang karamihang panig ng mundo. Ang Europe ay parang paraiso sa nakapipigil-hiningang tanawin, mataas na uri ng buhay at kultura at kabaitan ng mga katutubo. Ngunit kabaligtaran ito sa India at ibang African states na ang gutom at kahirapan ay laganap pa 40 taong paglalayag, pakikisalamuha sa iba’t ibang tao ay parang isang edukasyon sa buhay na ‘di matutumbasan ng salapi.

Paborito raw niyang awitin ay “Harbor Lights”. Nagpapagunita sa kanya ng pag-alis at pagdating sa mahabang paglalayag sa pag-hahanap ng kapalaran.

SAMUT-SAMOT

 

NAPAKA-UNPREDICTABLE NG panahon. Init, ulan, kulog, kidlat. Epekto ng climate change. Nahuli ang mundo sa pag-aresto ng suliranin. At maaaring ito’y palala nang palala. Ang dahilan ay ang pagnipis ng ozone layer dahil sa labis na industrial pollution. Nu’ng 1990s, marami nang scientists ang nagbabala ng climate change. Ngunit binale-wala. Kaawa-awa ang buhay ng susunod na mga henerasyon.

KAPURI-PURI ANG pagsasabatas ng isang bill na naglalayong pagyamanin ang kalikasan sa pagtatanim ng puno ng mga LGUs, minsan o dalawang beses ‘sang taon. Nilagdaan ni P-Noy ang batas kamakailan. ‘Di lamang LGU’s ang magsasagawa nito. Mga mag-aaral, civic groups at iba pang organizations ay dapat suportahan ang proyektong ito. Kailangan natin ang puno laban sa baha at iba pang pag-aalburuto ng kalikasan. Napakagandang tingnan ang ‘sang siyudad kung punung-puno ng halaman ang mga lansangan at public parks. Sa Singapore at Japan ay ganito ang tanawin. Kailangan, gumaya tayo.

“I’LL NOT be a boy who just kick the can on the road.” Ito ang winika ni P-Noy sa kanyang talumpati sa Integrity Summit sa Makati Business Club kamakailan. Ibig sabihin, gagawa at gagawa siya ng solusyon sa suliranin ng bayan, gaano man kahirap. Isa sa mga mahirap na suliranin ay ang talamak na korapsyon. Pinalakpakan siya ng mga nagsidalo. Pinapa-purihan din siya sa “significant gains” ng anti-corruption drive. Sa puntong ito, saludo ako kay Pangulo.

MAHIGIT NA 1 milyong dolyar ang iginawad ng korte sa isang dosenang nurses at health workers sa Delamo, California  dahil sa pagkapanalo nila sa ‘sang kaso. Nag-ugat ang kaso sa pagbabawal sa kanila ng Delamo Medical Center sa pagsasalita ng Filipino sa kanilang hospital working hours. Talamak na racial discrimination at violation of human rights, ayon sa korte. Talagang iba ang system ng justice sa Amerika. Sa atin, ‘di papansinin ang ganitong  kaso.

PALAKPAKAN SI NCRPO Director Leonardo Espina sa pagwawalis niya ng scalawags sa PNP. ‘Yan ang opisyal, aksyon kaagad. Without sacrificing due process, kabi-kabila ang pagsibak niya sa mga pulis na sangkot sa kidnapping, carnapping at kotong. Ganito ang gustong makita ng publiko. Fear of the certainty of law must be sown sa puso ng kapulisan. Sana’y ‘di ningas-cogon.

TALAGA BANG inutil ang pamahalaan sa pag-reregulate ng mga pre-need firms para mapa-ngalagaan ang interes ng maliliit na depositors. Isa na namang pre-need firm – Prudential Life Insurance – ang nagsara at under receivership dahil sa pagkalugi. Kagaya nu’ng nangyari sa Pacific Life Plan ng mga Yuchengco, daaang mga depositors ang naghuhumiyaw sa poot at galit. 10 hanggang 20 taon kang naghulog buhat sa hard-earned money at nang mag-matured na, biglang collapsed ang kumpanya. Kawawa ang maliliit, walang proteksyong makuha sa pamahalaan. Ang kasong ganito ay ‘di isolated. Bagkus paulit-ulit. Pagkatapos ng mabilisang imbestigasyon, ‘di alam ang resulta. Mga kaawa-awang despositors, halos mabaliw.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleSkills Test at Medical — Kailan Dapat Gawin?
Next articleAsawang Nagkaanak sa Ibang Babae, Gustong Kasuhan

No posts to display