Harlene Bautista: Ang Tunay na First Lady ng Quezon City!

Romnick Sarmienta and Harlene Bautista

DAHIL “SINGLE” pa rin officially at legally si Quezon City Mayor Herbert Bautista (never siya ikinasal), tila ang nakababatang kapatid niya ang maituturing na “First Lady” ng lungsod sa katauhan ni Harlene Bautista.

 
Kaya nga kapag may commitments si Mayor Bistek at nagkataon na hindi niya masisipot, ang kapatid na si Harlene ang nagiging proxy ni Mayor Herbert.
 
Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista

Sa mga pa-birthday treat ni Mayor Bistek sa mga kaibigan niya sa entertainment media (every quarter ito ginagawa); noong pa-birthday blow-out niya sa amin (July born kami), dahil hindi kaya ng hectic schedule ni Mayor Bistek ang pag-attend, ang kapatid na si Harlene ang nagiging host namin kasama ang mister na si Romnick  Sarmienta sa kanilang very Pinoy restaurant na Salu na matatagpuan along Scout Torillo cor. Scout Fernandez sa may Kyusi malapit sa Morato at Sacred Heart Church sa Kamuning.

 
#SupportADDA: Para sa kaligtasan ng ating pamilya

Kaya nga biro kay Harlene ngayon, if she is planning for a political career in the near future lalo pa’t last term na ni Mayor Herbert sa Quezon City sa kanyang panunungkulan reason kung bakit ang dami niyang kaganapan na trabaho ng isang lingkod bayan ay iisa lang ang sagot niya sa kaatanungn. “I’m just helping my Kuya,” sabi niya.

 
In short at maliwanag pa sa blue sky na no political agenda ang ginagawa niya para sa mga constituents ng nakatatandang kapatid.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMarlo Mortel, pinopormahan si Morisette Amon?
Next articleBYE, ELNELLA: Pelikula nina Elmo Magalona at Janella Salvador, iniwanan ni Direk Jun Lana!

No posts to display