Iba nga ang klase ng pagkain na sini-serve sa restaurant ng mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmienta, ang Salu na matatagpuan sa Scout Torillo malapit sa kanto ng Timog Ave. sa Quezon City.
Pinoy na Pinoy ang mga pagkain na inihahain nila. Mula sa iba’t ibang mga rehiyon ng Pilipinas, bumiyahe at nag-reasearch pa pala ang mag-asawa kasama ang kanilang executive chef para pag-aralan ang mga regional dishes na kanilang inihahain. Pagkaing Pinoy with a twist, ‘ika nga.
“ Ang pork kare-kare namin ay binagoongang baboy,” kuwento ni Harlene sa amin sa pa-blow-out ng kuya niya na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga entertainment press na may mga kaarawan mula April hanggang July.
Yearly ginagawa ni Mayor Bistek ito for the past 5 years na yata, kung saan nagkakaroon siya ng chance na makasama ang mga kaibigang entertainment reporters na minsan na ring naging bahagi ng buhay niya as ‘Bistek” at noong nagsi-showbiz pa lang siya.
Kaso, absent ang nag-blow-out sa amin (July celebrator ako) kaya sina Harlene at Romnick at ang kapatid nila na si QC 4th District Councilor Hero Bautista ang nag-istima sa amin.
It was sort of a reunion with old friends. Panahon ng “That’s Entertainment” pa noong huli yata naming nakasalamuhan sina Harlene at Romnick at kadalasan sa FB lang namin nakakatsika at nakakabalitaan si Harlene.
Masayang ipinagmamalaki ni Harlene na ang menu nila na binuo nila na may kasamang passion nilang mag-asawa sa Pinoy food at ang ginawa nilang pagsaliksik at emersion with the farmers na kinukunan nila ng mga supplies na kanilng iniluluto ay inihahain sa kanilang mga costumers.
Ang maganda sa advocacy namin ay we help the farmers-growers na kinukunan namin ng vegetables namin ay maging mga meat. Direkta na kami. Wala nang middleman na namamagitan between farmers and restaurant owners, kaya mas nakamuamura kami, reason why we can lower our prices. With this direct to farmers relationship naming, nakapagbibigay rin kami ng trabaho sa mga farmers,” pagmamalaki ni Harlene sa amin.
Kung maalala pa, unang naging restaurant ng mag-asawa ay ang resto-bar sa may bandang Kamuning na tumagal din nang halos limang taon.
Aside from Salu Filipino Restaurant ay pagpo-produce pa rin ng peikula ang ginagawa ng kanilang Heartbest Production.
Sayang wala si Mayor Bistek. Last year’s blow-out kasi niya, happy ang tsikahan namin na mostly ay off the records. Kainis….
Reyted K
By RK VillaCorta