Grabeng preparasyon na raw ang ginagawa ngayon ng grupong #Hashtags para sa nalalapit nilang concert entitled “#Hashtags: The Road Trip” na magaganap sa September 24, 8 p.m. sa Kia Theater.
Ang all-male group ng Kapamilya Network na napanonood mula Lunes hanggang Sabado sa “It’s Showtime” ay binubuo nina Jameson Blake, Nikko Natividad, Jimboy Martin, McCoy De Leon, Luke Conde, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Ryle Paolo Tan, Paolo Angeles, Jon Lucas, at Tom Doromal.
Ayon nga sa isang miyembro ng #Hashtags na si Jameson na nakausap namin sa kaarawan ng marketing person na si Archie Chua na ginanap sa Papa John’s sa Tomas Morato, Quezon City noong September 13, “Ah, going well so far, two weeks left and so far almost done. Basta polishing lang and adjusting nang konti, but everything is okey.”
Hindi nga raw maitatago ang kabang nararamdaman ng buong grupo lalo na’t ito ang kanilang first concert.
“Opo may kaba, kasi first concert and then medyo nangangapa pa kami sa gagawin namin. Nag-a-adjust pa kami sa routines namin,” sabi ni Jameson.
“‘Yun nga, kasi medyo sobrang liit na lang ng preparations namin sa concert namin, kaya medyo may konting kaba kami. Pero okey na naman lahat. Na-ready na namin lahat ng gusto naming maipakita naming talent sa mga manonood ng concert namin,” dagdag naman ni Ronnie.
Abangan nga raw ang pasabog na production numbers nila as a group and as an individual member.
“Maraming pasabog na magaganap sa concert. Kasi ‘yung mga hindi pa nila nakikita na talent namin individually , talagang du’n namin ipakikita. First time lang nila makikita kaya namang pihadong masu- surprise ‘yung mga manonood ng concert namin. Kasi kahit kami na-surprise sa mga iba pang talento ng mga kasama namin sa #Hashtags. Kaya kung kami na-surprise, for sure ‘yung mga manonood, masu-surprise din,” ayon naman kay Zeus.
Handa raw sila sa kung sino ang papatok sa mga manonood sa kanilang individual production number. “Siyempre chill lang. Kasi ‘yung pagpapakilig naman sa tao, depende sa performance mo, eh. Kung kunwari nauna sila, tapos mas malakas ‘yung tilian nu’ng nauna, eh ‘di mag-extra effort ka para pantay- pantay lahat. Lahat naman may puwedeng gawin sa lahat ng bagay eh, para mas maging maganda ang performance mo, eh,” ayon kay Paolo.
John’s Point
by John Fontanilla