Hatsing

NAPAKASARAP HUMATSING. Kahit na nagbabadya ito ng maaaring dumating na ubo o sipon, nagdudulot ito ng kakaibang pakiramdam ng relief. ‘Di maipaliwanag na relief.

Ang hatsing ay nagsisimula sa pagkati ng ilong. Susunod ang pagluwag ng dibdib at clearance sa nostril passage. Pagkatapos, isang dumadagundong na h-a-tsing…!

May isa akong yumaong tiya na biktima ng maya’t maya paghatsing. Kada 10 o 20 minuto, taglamig o tag-araw, laging humahatsing. ‘Di siya nakapagsisimba o nakapupunta sa mga social function dahil dito. Nakabubulahaw at pinagtitinginan ng mga tao.

Mahigit nang isang dosenang manggagamot ang tumingin sa kanya. Walang makitang pinagmumulan sa baga, diaphragm, tenga o ilong. Maaari raw allergy. Ngunit kung anong uri ng allergy, ‘di mawari. ‘Di na ito nagamot.

Ang paghatsing sa publiko ay delikado. Naghahasik ito ng germs o mikrobyo na nagdadala ng ubo o sipon. Kaya ‘pag may maramdamang paghatsing, takpan agad ang ilong ng panyo o kamay. Maaaring may mag-away dahil sa paghatsing.

Ayon sa internet, ang paghatsing ay dulot din ng emotional disturbances o psychological ailment. ‘Pag masyadong pressure o stress, ang paghatsing ay kasama. May dati akong kasama sa opis na grabe ang naging sitwasyon: magkatulad na hatsing at sinok. Biro mong parusa ito. Combo ng hatsing at sinok.

Makabubuti na regular na mag-spray sa ilong ng mild nasal spray para ma-decongest. Ang pagbara ng ilong ay pinagsisimulan din. At magpasuri kung may allergy.

Nagpapahatsing din ang paglanghap ng dumi. Dumi ng kurtina, kama, upuan at iba pa. Maglinis lagi ng kasangkapan at kapaligiran.

Este, excuse me… hatsing…!

SAMUT-SAMOT

 

NASA HEADLINES na naman kamakailan ang kontrobersyal na actor Baron Geisler. Nanapak ng kapit-bahay at nakulong nang magdamag. Subalit pinakawalan matapos makipag-ayos sa biktima. Recidivist ba si Baron? O kulang sa pansin. ‘Di ba sumailalim na siya sa isang rehabilitation program. Ngunit ‘di pa naman siya hopeless case. May pag-asa pang magbago kung ang kanyang susunod na biktima ay ‘di paareglo at dalhin siya sa rehas. Actors should be role model of righteousness and good moral conduct. Kabaligtaran si Baron. I-boycott pelikula niya. Baka madala.

NAGKITA MULI kami ni CamSur day bash Atty. Ferdie Topacio. Sun-tanned siya at hapis ang katawan dahil sa ibayong pangangampanya. Lalaban siya bilang congressman sa 3rd district ng CamSur. Makakasagupa niya si Dato Arroyo, anak ng dating Pangulo GMA. Maganda raw ang laban at base sa surveys, ahead siya 8-2 sa kalaban. Walang duda na magtatagumpay siya.

SIYA ANG pinaka-successful CamSur governor. Ginawa niyang number one tourist spot ang lalawigan at pinataas niya ang local economy. Kagaya ni LRay ang dapat mamuno sa bayan. Young brood, fresh vision at great political will. Sa 2016 swak siya sa senador at malay natin sa Malacañang. Mabuhay ka, Gov!

NAPAG-ALAMAN KO na nagkabatian na si dating Pangulong Erap at Chavit Singson sa birthday party ni Inquirer columnist Mon Tulfo. ‘Di kataka-taka sapagkat si Erap ay may pusong mamon at second nature ang pagpapatawad. Kaya ang buhay niya ay hitik ng good karma. May pagkakamali rin, subalit sino ang wala? Nagkabati na rin sila ni Col. Reynaldo Berroya na tuluyan nang nag-retiro. Travel light, wika ni Erap. Ang may kagalit ay masama sa blood pressure. Forgive and you’ll be forgiven. Amen.

DAGLIANG NAGBITIW si CIA Director David Petreus nang mabalitang siya’y may tinatagong mistress. Ayaw diumano tanggapin ni Pres. Obama subalit nagpumilit ang opisyal para ‘di mabahiran ang imahe ng ahensiya. Grabeng delicadeza. Sa ating bansa, ganyan ay ‘di mangyayari. Halos lahat kapit-tuko sa posisyon kahit pangitang may pagkakasala. Ay, buhay! Sa Japan, parehas ang kultura! Harakiri ang solusyon ng mga top official na napaghinalaang gumawa ng anomalya. Meron ding nagpapatiwakal sa pagtalon sa mataas na building. Sa atin? Nagpapagapos ng tanikala para ‘di maalis sa posisyon.

NADAKIP NA ang isang pulis na pinatay ang asawa sa loob ng Beehive Motel sa Sampaloc nakaraang araw. Ang karumal-dumal na krimen ay nasaksihan ng kanilang dalawang maliliit na anak. Ilang demonyo ang pumasok sa ulo ng salarin? Ganitong heinous crime ay dapat mapatawan ng pinakamabigat na parusa – kamatayan. Ngunit ang publiko ay hati pa sa isyung ito. Ngayon at tumaas na naman ang crime rate, maaaring balikan ng parusang kamatayan. Ngunit siguradong tutol ang simbahan dito. Anong inyong opinyon?

WALA NANG ingay at fireworks sa Korte Suprema. Tila nakaa-adjust na si Chief Justice Sereno at ibang justices ay tinanggap na ang realidad. Dapat lang. Napakahalaga ng isang united SC sa wastong paggulong ng ating demokrasya. Sa tingin ko, dapat ibalik ang posisyon na spokesman at kumuha ng magaling. ‘Yong ating spokesperson ay nagkakalat. Nu’ng kamakailan, nagkalituhan sa pag-interpret ng desisyon at sinisisi ang spokesperson.

PINAKAMATAONG HOSPITAL ay Medical City in Pasig City. Samantala, nilalangaw ang St. Luke’s (Global City) at Asian Medical Center sa Alabang. Dahil nga ito ay notorious sa pagsingil ng mataas. Isang linggo kang confined at pulubi ka na. Mataas ding sumingil ang Medical City subalit efficient at satisfactory ang serbisyo.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleFrom holding hands to hug
Next articlePauleen Luna, Bumuka!

No posts to display