NANG I-ANNOUNCE ng MMFF 2017 secretariat na napili ang pelikulang Haunted Forest ng Regal Films, sabi ko sa sarili na magiging masaya muli ang mga bata ngayong Christmas Season. Iba kasi kapag may pelikulang kakatakutan na siyang humahataw kadalasan sa takilya kapag Kapaskuhan sa Metro Manila Film Festival.
Basta, walang pretensyon. Walang “for art sake” na drama, ang Pilipino susuporta. Aminin man natin o hindi, last year ang MMFF 2016 ay flopsina at mababa ang kita kumpara sa taong nagdaan na ratsada ang mga pelikulang walang ilusyon at pretension.
Nahinto man ang Shake, Rattle and Roll series ng Regal last year ay babawi naman sina Mother Lily Monteverde at Miss Roselle Monteverde sa mga manonood ng pelikulang Pilipino tuwing MMFF.
Ang nag-iisang horror-suspense movie na Haunted Forest ay kinabibilangan nina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas ay magiging sulit sa manonood at mahilig sa mga ganitong genre na for sure dahil based sa trailer ay matatakot ka na sa pelikula.
“What more kapag pinanood mo,” sabi ng isang writer na kausap namin.
I’m sure, bongga ang tilian at sigawan nito pag nagkataon.
Bukod sa Haunted Forest na bet namin ay mapapanood din ng pelikula ni Coco Martin na “Ang Panday” na siya mismo ang nag-direk together with McCoy de Leon at Elisse Joson; “Gandarapido The Revenger Squad” nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach; “All of You “na bida sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado; “Meant to Beh” nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta; “Ang Larawan” starring Rachel Alejandro, Celeste Legaspi at Paulo Avelino; “Deadma Walking” at “Siargao” at ang nagiisang horror-suspense film na Haunted Forest.
Reyted K
By RK Villacorta