NAGTSA-CHANNEL SURFING ako last Wednesday evening. Patulog na sana ako matapos making ng radio show na Mismo ng kaibigang Jobert Sucaldito at Papa Ahwel Paz sa DZMM. Nag-text kasi earlier that night si Jobert na pakinggan namin ang kanyang “Ikaw ang Pag-ibig” na ipe-play niya sa kanyang programa that evening. Awitin ‘yun ni Herbert C., ang bagong alagang “talent” ng kaibigang Jobert bukod kina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy.
Matutulog na sana kami and by accident at nailipat namin sa GMA News TV kung saan sa late evening programming nila ipinalalabas ang 700 Club Asia. Bumulaga sa frame ng telebisyon namin ang napakaguwapong mukha ni Hayden Kho.
Sa kabila ng mga intriga at isankadalo noon, guwaping pa rin si Dok Hayden na kamakailan ay ibinalik ng PRC ang kanyang Medical Doctor License (last July 7, 2014) after isuspinde siya dahil sa iskandalo na kinasasangkutan niya with Katrina Halili.
Hayden was talking about his renewed Christian life. Naikuwento niya kina Pastor Alex Tinsay at Miriam Quiambao-Roberto ang naging buhay niya before and after the scandal. Actually, pang-teleserye ang kuwento ni Hayden. Revelation ang episode na ‘yun ng 700 Club Asia na pinamagatan nilang Hayden Kho – No Holds Barred. Nakatutok kami. Hindi kami inantok at nagka-interest kami sa salaysay niya kung papaano siya nalulong sa masamang bisyo, sa mga bad influence na mga kaibigan at barkada, ang pagbabago na naganap sa buhay niya na patuloy niyang iniaahon sa dating mundo na nakasanayan niya.
Kuwento niya na sa edad walo, inabuso siya. Hindi nilinaw kung papaano pero dalawang beses siyang hinalay na wala siya magawa kundi mag-iiyak sa loob ng shower room. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit naganap ang hindi dapat mangyari sa buhay niya.
Hindi niya idinitalye kung sino ang umabuso sa kaya. Hindi na nag-follow-up ang mga hosts ng show na sina Pastor Alex at Miriam. Mas naging interesado sila sa mga sumunod na kuwento ni Dok Hayden.
Dati noong nasa high school siya, napaka-spiritual niyang tao. He reads a lot. Ang daming mga literature siya na binabasa para lalong magbukasan ang kanyang kaisipan.
Nang pasukin niya ang showbiz, ibang impluwensiya naman ang natutunan niya. In short, naging material. Naging pisikal at superficial lang ang lahat. Sa kainitan ng kaso niya with Katrina (hindi na idinetalye nina Alex at Miriam); dalawang beses siyang nagtangka kitilin ang buhay niya. Trentang valium ang nilaklak pero nabuhay siya. Nag-ecstasy ng kung ilang piraso pero buhay siya. Hindi binawi ang ipinahiram sa kanyang buhay.
Depress siya. Down na down. Ang mga kaibigan na itinuturing niya, nangawala until makilala niya si Dr. Ravi Zacharias na personal na nagpasimula na mamulat siya na may buhay sa kabila ng mga unos.
Si Dr. Ravi, isang India-born Christian Minister kung saan sa kagustuhan ni Hayden na magbagong buhay, sumama siya sa mga international talks at rounds ni Dr. Ravi sa Singapore, India, Hong Kong, Europe, USA at kung saan-saan pa to learn more kung ano man ang estado niya ngayon.
Sabi nga ni Dok Hayden, hindi pa tapos ang Panginoon sa ginagawa sa kanyang pagbabago na balang araw, umabot ito sa dapat niyang kahantungan. Totally, ang old Hayden ay magbubunga ng isang bagong Hayden na I’m sure ang kaibigan niya na si Dra. Vicki Bello ang unang-unang matutuwa.
During the interview, kita mo ang humility ni Dok Hayden. Naging open siya. Inamin ang mga pagkukulang at mga sablay na nagawa which for us is a good sign dahil knowing ang showbiz, may mga ere ang celebrities na ayaw aminin ang mga pagkakamali at sablay na naging desisyon sa buhay.
Walang makapagsasabi, with his testimony, dami ang mas makaiintindi sa kanya at maraming mga tao na magsasbaing Mabuhay ka, Dok Hayden!
KABADO SI Sylvia Sanchez sa magaganap na konsiyerto ng Be Careful With My Heart bukas na gaganapin sa Araneta Coliseum bilang pasasalamat nila sa mga fans at followers nila na magpasahanggang ngayon (naka-dalawang taon na sila) ay lalong nadadagdagan ang followers nila.
Ilang beses na rin kasing napabalita na magtatapos na raw ang morning romance serye ng Kapamilya Network.
Bukas, abangan at kakanta nang live si Nanay Tessie kasama ang mister na si Arturo (played by Lito Pimentel).
Alam ko, magaling na artista si Sylvia, pero ewan ko if she can carry a tune.
Reyted K
By RK VillaCorta