DR.HAYDEN KHO, binastos nga ba sa Marikina City at a recent medical mission?
Kuwento ito mismo ng staff ng Belo Medical Group na sumama sa isang lugar sa naturang lungsod upang magsagawa ng panggagamot sa mga biktima ng Ondoy.
It was a two-day affair, kung saan nagsanib pa ng puwersa si Hayden at ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Crystalle Henares. If I may sidetrack a bit, yup, nagkaayos na ang kasintahan at ang anak common in Vicki’s life, thanks to a psychologist who interceded.
Anyway, hindi na kasama ni Hayden si Crystalle sa ikalawang araw, tanging ang suspendidong doktor na lang ang sumuong sa baha sa lugar na malapit sa Tumana River, but conducted the mission on higher grounds.
Ang nakaaaliw, ‘yung mga bata raw na nakalubog sa tubig-baha na agad namukhaan ang doktor ay mala-chorale na kumakanta ng: “Careless whisper…” Hindi pa nakuntento, gumiling-giling pa raw ang mga paslit sa saliw ng awiting ‘yon.
Wala raw nagawa si Hayden kundi ang ngumiti at kumaway nang bahagya sa kanyang mga hecklers.
SA KABILA NG network efforts na mangalap ng mga donasyon para sa nagdaang bagyong Ondoy, maliwanag na hanggang sa kani-kanilang pagtulong ay nangingibabaw pa rin ang kumpetisyon.
Hindi itinago ng isang beteranong TV host ang pagkadismaya, na kahit ang kanyang kinaaanibang istasyon ay nahulog na rin sa bitag ng matinding pagpapasiklaban sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.
Surely, this is a collective sentiment: habang iinaanunsiyo nga naman ang milyun-milyong halaga ng nakalap na donasyon–in cash, in kind and in pledges– kailangan pa bang ipagmakaingay ng mga donors ang kanilang naiambag?
Willie Revillame at Joey de Leon, nagparinigan nanaman
WHICH BRINGS ME du’n sa panawagan ni Joey de Leon in a news program on GMA nu’ng mismong araw na naminsala ang Ondoy partikular na sa mga kasama sa hanapbuhay.
Aniya, kung magbibigay ng donasyon ang mga artista, mangyaring mag-abot na lang without having to announce it to all and sundry, pati ang halaga ng donasyon!
Tinanong ko mismo si Tito Joey kung meron siyang artistang partikular na pinatatamaan. Wala raw. Kaya laking gulat ng inyong lingkod when out of the blue, sa kanyang programang Wowowee ay nagsalita on-air si Willie Revillame ng mga ganitong kataga humigit-kumulang. “O, may nag-comment daw diyan na ako raw, eh, nag-donate ng one million (pesos). Bakit hindi rin sila magbigay? Eh, comment pa sila nang comment!”
Walang direktang pinahagingan si Willie, but it would simply take common sense para maisip ng publiko na ang pasaring na ‘yon ay kontra-bala kay Tito Joey, who earlier intimated to me na nga that it was a general statement.
Kagyat kong kinuha ang reaksiyon ni Tito Joey. Pasintabi muna ako, I am exercising editorial prudence in editing out certain “unprintables.”
Sey niya: “Eh, ‘yun din naman ang sinabi ko five days ago pa, na kung magdo-donate ang ibang mga artista, magbigay na lang sila, huwag na nilang i-announce pa. Eh, ‘di inulit lang niya ‘yung sinabi ko.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III