NAKAUSAP KO SI Dra. Vicki Belo kamakailan lang dahil nag-iiyak ito sa sobrang awa kay Hayden Kho na tuluyan nang kinansela ng PRC o Professional Regulations Commission ang kanyang lisensiya sa pagka-doktor.
Nag-iiyak daw si Hayden dahil napunta lang sa wala ang kanyang pinaghirapan para makapagtapos lang ng medisina. Tapos ngayon ay nawalan na ito ng pag-asang mabalik pa sa kanya. Nasa Amerika sila ngayon para makaiwas na rin sa mga gustong mag-interview sa kanila.
Pero nakunan naman ng statement si Dra. Belo mula sa kanyang Twitter account.
Heto ang ipinadalang kopya sa akin ng itinwit ni Dra. Belo.
“Help. I don’t know how to comfort Hayden. To lose one’s medical license after so many years of studying, sleepless nights on duty and the money and sacrifice his parents did.
“Hayden is a wonderful doctor, so smart, so caring and so thorough. Couldn’t they have given a win win decision. Maybe they could have insisted that Hayden devote 2 years of his life doing charity service.
“I remember when he extracted blood during a Red Cross event. They had many more donors.
“He’s also a med tech. He even has a letter from Philippine Airlines in gratitude for saving a passenger’s life who had a heart attack during a flight. Sayang naman super sayang talaga .”
Si Katrina Halili naman ay nakunan ng reaksyon sa Thanksgiving Mass ng Munting Heredera.
Halatang masaya si Katrina sa ibinabang desisyon ng PRC pero sinasabi naman niyang hindi naman ‘yung tipong magse-celebrate na.
“Basta ako naniniwala naman ako na kung meron man tayong mga ginagawa eh, makakarma at makakarma lang po tayo.
“Wala akong sinabing wala akong ginagawa, lahat tayo actually kung ano yung ginagawa natin babalik po sa atin ‘yun, eh. So, wala akong sinabing mabuting tao ako, so ginawa ko lang po kung ano ‘yung dapat kong gawin,” pahayag nito.
Pinilit din ng mga reporters na makuhan ng reaksyon si Sen. Bong Revilla dahil siya ang nanguna sa pagbigay ng suporta dito kay Katrina.
Tumanggi siyang magsalita pero nagbigay ito ng press statement na kung saan pinuri nga nito ang PRC.
“As the government instrumentality that is tasked to ensure the integrity of the practice of all professionals in the country, the Professional Regulation Commission made the right decision. What Dr. Hayden Kho did is indeed an unethical offense and we must not forget that he did it wittingly at the expense and humiliation of the women he wickedly videotaped.
“Binabati ko ang PRC sa naging desisyon nito. Pinatunayan ng PRC na may paninindigan ito sa mandato nito at hindi maaaring maimpluwensiyahan ng sinuman. Pinairal nito ang interes ng publiko at ginampanan ang tungkulin nitong protektahan ang integridad ng medical profession. Sana ay magsilbing babala ito sa iba, propesyunal man o hindi.”
‘Yun na lang ang statement ni Bong at ayaw na raw niyang magsalita pa tungkol diyan dahil iniwan na niya ito sa PRC at siyempre sa mga nabiktima ni Hayden gaya ni Katrina.
Ang sa akin lang naman, maaaring ito na nga ang kabayaran nang ginawa ni Hayden. Dapat niyang harapin ito.
Hindi naman siya pababayaan ni Dra. Belo na patuloy ang suporta sa kanya. May career pa rin naman siya kahit hindi na siya doktor.
Sabi nga ni Vicki, wala na siyang lisensiya pero nandiyan pa rin ang kanyang medical degree at hinihiling nitong tawagin pa rin siyang doktor.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis