HEADS WILL ROLL: Ayon sa may-ari ng Klownz at Zirkoh na si Allan K.
Sa isang pakikipagkuwentuhan namin sa isa sa hosts ng Eat…Bulaga! at boss din ng maraming komedyanteng napapanood sa kanyang mga entablado,mukhang nakakalimutan na raw ng mga talent na ito na bukod sa kanilang pagpapatawa, may responsibilidad pa rin sila dapat sa kanilang mga manonood.
Marami raw kasi ang madali nang nakakalimot at pawang panghihingi na lang ng pera sa customers ang inaatupag. Meron namang lubos nang lumalaki ang mga ulo madaanan lang ng camera sa TV at pelikula.
“Magugulat na lang sila. P’wedeng kausap ko ngayon, maya-maya sinasabi ko na ang mga salitang ‘thank you for your loyalty or for staying with us all these years.’ And that’s it!”
Sabi ko pa kay Allan, paano kung may manikluhod sa kanya at humingi ng isa pang chance? “Ay, hindi na. Maraming chances na ang ibinigay sa kanila.”
Kanila? Marami? “Sampu-sampera na lang ang mga komedyante sa comedy bars. Maya’t maya, may bago ka na lang napapanood. Kung hindi sila nag-i-improve, ‘yung mga nauna na, definitely, may mga makikita ka pa ring hindi lang mahusay sa pagpapatawa kundi alam din what they do and why they are here.”
Can he name names na? “Sabi ko nga, magugulat na lang sila. Once nag-thank you na ako sa kanila, ‘yun na ‘yon. Agad-agad.”
HEART BITS: HINABOL ko sa Annex ng SM City si Jericho Rosales isang umaga kung saan binigyan siya ng recognition ng PAVIC (Parent Advocates for Virtually Impaired Children).
Dahil sa papel ni Echo bilang isang bulag sa tinangkilik na I Love Betty La Fea, sinabi ng outgoing president ng PAVIC na si Rico Domingo na sa celebration ng kanilang 20th year, ang White Cane Safety Day, ipinagkaloob nila sa kauna-unahang pagkakataon sa isang artistang gaya ni Echo ang nasabing parangal. Ito ay dahil na rin sa mahusay na pagganap nito at sa paggamit niya ng white cane sa kanyang karakter.
Sinaksihan ng kanyang anak na si Santino ang pagtanggap ng award ng kanyang ama, na halos maiyak nang kantahin ang Beautiful In My Eyes para sa mga bata at mga magulang na dumalo sa nasabing celebration.
As he was walking patungo sa parking lot ng SM City Annex, tsinika ko si Echo and asked him about the talks circulating na he and Heart Evangelista are trying to get back together. “Not true!” The actor said.
Pero nag-uusap na ba sila? “Yeah, meron lang communications every once in a while.”
So, there is closure na? “Yes, nag-usap na kami. May closure na,” pagdidiin pa ng aktor na nakatakda na namang mapansin sa magiging performance niya bilang isa namang abogado sa pagitan nina Kristine Hermosa at Karylle sa Dahil May Isang Ikaw sa ABS-CBN.
The Pillar
by Pilar Mateo