KAHIT ANO’NG IWAS ni Heart Evangelista, laging lumulutang ang pangalan ni Jericho Rosales. Sa solo presscon niya for Mano Po 6, naulit na naman ito dahil kasama pala sa filmfest entry ng Regal Entertainment ang pamangkin ni Echo na si John Manalo.
Dahil kasama din si John sa Beijing, China, napasyal din sila ng Tita Heart niya sa mga restaurant na masasarap ang pagkain. Puwede ba namang hindi nila mapag-usapan si Echo at ang masasaya nilang Pasko?
“Noong sila pa kasi ng Tito Echo ko, kasama namin si Tita Heart tuwing Pasko. Ipinagluluto po niya kami ng masasarap na pasta at iba pang pagkain. May robot din po siyang regalo sa akin at sa dalawa kong pinsan. Inaanak po kasi niya kami, kaya, natuwa po ako na kahit ngayong Pasko ay may ibibigay rin daw po siyang robot sa aming tatlo,” kuwento ni John.
Kinumpirma nga ni Heart ang nasabi ni John. “Oo naman,” aniya. “Inaanak ko pa rin sila,” hindi naiwasang mag-misty eyed siya sa alaalang iyon. Nangangahulugang may sakit pa rin siyang nararamdaman sa masasayang araw na iyon na hindi na magaganap sa darating na Pasko.
“Lagi kong inilalagay sa isip ko na mali kapag you go againts your parent’s will. Inaamin ko naman lagi na nag-rebelde ako noon dahil sinunod ko ang puso ko, kahit nasasaktan ko ang parents ko. But I’m doing my very best this time to make them happy, because they deserve it. I want sana to be completely happy. ‘Yun bang i-allign ang stars ko for me to be able to make my loved ones happy. I hope to achieve this, dahil masaya sila at ako rin. Maganda ang career ko ngayon. Napunta na ako sa ibang level. ‘Yung Best Actress Award ko for Ay, Ayeng, in-enjoy ko for one whole week. Tapos iniwan ko sa ibabaw ng cabinet ko para hindi pumasok sa ulo ko. Imagine, Sharon Cuneta ang mom ko sa movie, kaya mabigat dalhin ang ganu’ng responsibility. Ang haba-haba pa ng Chinese dialogues ko. Para madaling tandaan (at i-arte), nira-rap ko.
“After this, Mother Lily told me na magaganda pa ang dalawang movies na gagawin niya para sa akin. So, maganda ang darating na taon sa akin both sa movies at sa TV.
“I am also aware na maganda rin ang takbo ng career niya (Echo) sa kabila. So, probably we are both building our own empires separately. Pikit-mata na lang ako sa mangyayari sa buhay ko. I have to control my life dahil mas organized yata ngayon. I also date but I see to it, na with friends lang. Even my first boyfriend has become my friend, too. Pam-balance sa buhay. ‘Yung, hindi work and work lang. Mayroon ding sosyalan paminsan-minsan.”
‘Yun na nga lang, kahit makuwento si Heart, alam mong may kulang pa rin sa kanyang buhay na pilit niyang itinatago.
“Wrong timing, eh,” katuwiran niya. Pero, malay niya, baka, mangyayari sa kanila ngayon ang awitin ni Barry Manilou. ‘Yung they had the right love at the wrong time. At mag-iba in the near future.
Hindi rin nakalimutan ni Heart na ipaalala ang earlier time slot na ibinigay sa kanilang Full House TV show ni Richard Gutierrez ng GMA 7.
“Na-inspire siguro sila sa maganda naming ratings at request from our televiewers na agahan ang pagpapalabas nito. Para mas marami pa raw ang makapanood. Hindi lang kasi para sa mga teen-agers at mature people ang theme, kundi sa mga bata rin.
“Manghang-mangha rin sila sa ganda ng location namin. I’m sure na marami na ang dadayo sa lugar na pinag-teypingan namin sa Parañaque. Napakaganda na nga kung winter, eh, ‘di lalo na kung summer.
BULL Chit!
by Chit Ramos