ONCE UPON A TIME, si Heart Evangelista ang tinuturing na ‘IT Girl’ ng showbiz. Pumasok ito sa showbiz sa pamamagitan ng Saturday youth-oriented show na G-Mik na noo’y pinagbibidahan ng childstars turned teen actresses na sina Camille Prats at
Angelica Panganiban. Sa programa unang itinambal si Heart Evangelista kay John Prats at noong mga panahon na iyon ay sumikat din ang kanilang tambalan.
Typically, kinaiinisan sa showbiz ang mga maaarteng artista. Nag-iba ito nang pumasok sa eksena ang isang Heart Evangelista, na anak-mayaman (may-ari lang naman sila ng sikat na restaurant na Barrio Fiesta!), pero down-to-earth. Kikay, pero marunong makisama. Maarte, pero willing to learn and adjust din naman kung kinakailangan. Dahil siguro nakikita ang effort niya na mag-reach out sa mga fans niya, minahal ito lalo ng tao.
Kalauna’y ito na ang lead star ng Berks at na-establish na rin ang tambalan nila ng noo’y ka-M.U. na si John Prats. Hindi na nauwi sa totohanan ang relasyon nila at bigla na lang ding binuwag ang kanilang tambalan. For a time, si Heart Evangelista ang paborito ng ABS-CBN. May mga nagsasabi pa nga na naging ‘overexposed’ ito. Maliban sa pagiging active teen star sa Berks at iba pang regular comedy shows tulad ng Da Pilya en Da Guard at Pilot, Arriba, Arriba!, OK Fine, ‘To Ang Gusto Niyo at Ang Tanging Ina The Series,
isa rin siya sa pioneer VJ ng noo’y kakalaunch pa lang na Myx Music Channel.
Lumalabas din ito regularly sa Sunday variety show na ASAP. Marami rin itong endorsements na lahat na ‘ata ng produkto ay meron siya. Idagdag pa ang mga pelikula niya mula sa Star Cinema tulad ng Trip, Ang Tanging Ina, My First Romance at Bcuz of You. Nagkaroon din ito ng mga kanta tulad ng ‘Love Has Come My Way’ at ‘One’. Ihabol pa ang mga primetime series na nagawa niya tulad ng Hiram, Ang Panday at Hiram Na Mukha.
Heart Evangelista was once the princess of ABS-CBN. May mga tsika pa nga na siya ang dahilan kung bakit tuluyang lumayas si Jolina Magdangal noon sa ABS-CBN at lumipat sa GMA. Noong nag-lie low sa showbiz si Heart for a while, ‘yun naman ang simula ng pagsikat noon ni Sandara Park at eventually ay si Kim Chiu naman. By then, nasa bakuran na ng GMA-7 si Heart.
Bigla lang namin naalala ang early years ng showbiz career ni Heart Evangelista dahil ang mga much newer fans niya ay maaaring hindi alam na minsan din siya naging sobrang aktibo sa TV at pelikula. Ngayon, pinipili na lang ni Heart ang mga proyektong gustong gawin at nakakatuwa lang din na panoorin ang kanyang reaksyon sa mga old videos niya. She might find these moments ‘cringeworthy’, pero para sa mga nagmahal talaga sa kanya
simula’t sapul, siya pa rin ang Heart Evangelista na hinangaan at patuloy na minamahal nila ngayon.