KAMAKAILAN AY ikinasal na ang ex-boyfriend ni Hearty Evangelista na si Jericho Rosales. At hindi maiwasan na matanong ang aktres hinggil dito. Friends na ba sila ng aktor?
“Uhm… hindi!” nangiting mabilis na sagot ni Heart.
“Pero I’m super-happy. Everybody that get’s married o engaged, it’s a different chapter in your life. And uhm… masaya. Ang saya nila, ‘di ba?”
Siya na ba ang susunod na ikakasal? Nakaantabay ang publiko kung may announcement nang magmumula sa kanilang dalawa ni Senator Chiz.
“Hindi. Actually I’m taking my time. Ngayong nahanap ko na siya, okey na ako. Masaya na ako na nahanap ko siya,” pagtukoy niya kay Senator Chiz as the one na itinakda ng kapalaran para sa kanya.
“You know… that’s it. Kahit five years pa ‘yan, okey lang kasi I know na siya na ang makakatuluyan ko. Masaya na ang buhay ko.”
Ano ba ang kanyang dream wedding? “Wala akong dream wedding. Basta ang importante nahanap ko na siya.”
Kahapon, May 8 (Huwebes) ang pagbubukas ng painting exhibit ni Heart sa Ayala Museum sa Makati. Open ito for public hanggang May 22.
Aabot ng 19 paintings ng aktres ang isu-showcase dito. Kapansin-pansin na tungkol sa kababaihan ang paboriting theme ng mga naipinta ni Heart.
“Pero meron din akong hindi girls ‘yong ano sa painting,” aniya. “Meron din akong mermaid, meron ding medyo may pagka-fantasy… ganyan. And I love bright colors.”
Sino ang naging inspiration niya sa kanyang pagpipinta? “Wala naman akong naging inspiration. But it was more of what I was feeling. Or what I… ‘yong emotions ko. ‘Yong present na emotion na available no’ng time na ‘yon. So, it’s really therapeutic para sa akin.”
May naging formal training ba siya sa painting? Marami kasi ang nagsasabing ang galing nga raw niya.
“Nong bata ako. Actually when I was 10 or 11… I had a short course sa Ayala Museum. Meron silang art class do’n, eh. So, that’s why tuwang-tuwa naman sila na sa kanila ako nag-exhibit. Meron nang mga pre-sold bago pa man ‘yong exhibit. So, nakakatuwa naman na maraming nakaa-appreciate ng artworks ko.”
Ano ba ang fulfillment na nakukuha niya sa papipinta?
“It’s being able to express youself o a different level. There are things that you cannot find words on how to describe what you’re feeling at that moment. That’s why sometimes it’s frustrating. Hindi siya biro na magpinta. Kasi hindi madali na gumawa ng isang imahe na nasa utak mo. Or hindi mo ma-express ‘yong sarili mo nang tama. O minsan hindi ka nagagandahan sa ginawa mo. O kulang. So, ‘yon! That’s what I use actually to start my painting.”
Kapag nagpipinta ba siya, kailangang laging masaya ang mood niya? O meron ding pagkakataon na malungkot o depressed siya?
“Ah… depende. Happy or sad. It really doesn’t matter. Kung ano man ‘yong available na nararamdamam mo. Parang sa artista, iyon din ang ginagamit mo. Nangyayari sa akin minsan, meron akong nasimulang painting na hindi ko nagustuhan. Tapos papatungan ko. Kasi hindi naman siya… it never ends, actually. The story never ends when you paint. You always go back to a certain painting. Unless may kumuha na. Pero habang nasa bahay mo pa siya o kahit minahal mo na siya, year after you go back to it. So it’s really a journey.
“At saka kapag nagpipinta ako, mas gusto ko na may tao sa paligid ko. O minsan may kausap. Kung minsan, maganda rin ang mag-isa. Pero most of the time, gusto ko may tao. Kasi natatakot din akong mag-isa. Natatakot ako sa multo!” natawang biro pa ni Heart.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan