HINDI lang magandang pakita ang hinangaan kay Vice President Leni Robredo sa CNN presidential debate, kundi pati na rin sa kanyang porma.
Walang iba kundi ang fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang pumuri sa suot ni Robredo sa debate, ayon sa asawa ng aktres na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Bilang reaksyon sa komento ni Jojo Terencio na bagay kay Robredo ang kanyang suot, nag-tweet si Escudero ng “Agree po… Pati wardrobe tinitingan ko na din hahaha (heart’s influence on me perhaps) and it was also on point.”
Ayon kay Escudero, inilarawan ni Heart ang suot ni Robredo bilang “chic”. Para naman kay Escudero, ang suot ng Bise Presidente ay elegante pero simple.
Sa isang hiwalay na tweet, pinuri ni Escudero ang magandang pakita ni Robredo sa debate, at tinawag pa ang Bise Presidente bilang “very presidentiable, full of substance, to the point & humble yet confident!”
Sumagot naman si Robredo sa tweet ni Escudero ng “Thank you very much, Sen Chiz. Means a lot.”
Nagkaisa rin ang mga celebrity at netizens na si Robredo ang pinakahanda sa lahat ng mga kandidato bilang pangulo na dumalo sa debate.
“Great job at the Presidential Debate, Ma’am Leni! That’s MY PRESIDENT!!!” wika ni Megastar Sharon Cuneta, asawa ng running mate ni Robredo na si Senator Kiko Pangilinan, sa isang Facebook post.
“Kahit si @glocdash9 mahihirapan sabihin sa given time lahat ng itunulong ni VP @lenirobredo sa pandemic. Kulang na kulang ang oras para masabi yung sobrang daming nagawa,” wika naman ng stand-up comedian na si Red Ollero (@comedybyred)
Bago ang debate, ilang artista rin ang nagbahagi ng larawan ng pagdating ni Robredo sa University of Sto. Tomas at nagpaabot ng pagbati, gaya ng aktor na si Edu Manzano, aktres na si Cherry Pie Picache, at mga singer na sina Bituin Escalante at Sam Concepcion.
“Is this a Presidential look or is this a Presidential look?” tweet ni Manzano.
“VP Leni looks Presidential. Wow,” tweet naman ni Concepcion.
“That’s my President!!!,” komento ni Picache.
Sa nasabing debate, binanggit ni Robredo ang kanyang mga programa ngayong pandemya, gaya ng libreng test kits, libreng dormitoryo, shuttle ride at PPE sets paara sa frontliners, community learning hubs, job-hunting platforms, libreng teleconsult services, at drive-thru vaccination, at marami pang iba.
Tiniyak din ni Robredo na siya’y magiging hands-on na pangulo, lalo na tuwing may krisis, dahil ito’y pagpapakita ng liderato.
“Ako bilang presidente, in every crisis, ako mismo ang mangunguna. Nakita natin during the pandemic na kailangan natin ng isang pangulo na nagli-lead sa front,” wika niya.
“Yung number 1 ingredient ng leadership aside from character is you show up in the most difficult times. Kapag hindi ka nagshow up in the most difficult times, hindi ka leader,” dagdag pa ni Robredo.
Ang hashtags #IpanaloNa10To at #10RobredoPresident ay nag-peak sa No. 2 at No. 4 trending topics sa buong mundo, ayon sa pagkakasunod, habang nangyayari ang debate.