BONGGA si Heart Evangelista dahil kasama siya sa isang video ng talyadang Harper’s Bazaar (harpersbazzar.com) kung saan kasama niya ang mga fashion icons of Asia na ina-annotate ng Crazy Rich Asian’s author na si Kevin Kwan kung saan sa online copy sa panayam sa pamosong si Kwan, description at pagkukuwento niya sa encounter niya with Heart sa Dior Haute Couture Fall 2018 show in Paris: “Heart Evangelista, a swarm of paparazzi descended on us like locusts. Heart hails from a Filipino-Chinese clan that founded the Barrio Fiesta food empire and is married to Francis Joseph “Chiz” Guevara Escudero, a member of the Philippine Senate,” pagsasalaysay ni Kwan sa kanyang pagkakasulat sa online version ng sikat na magazine.
Kasama ni Heart sina Feiping Chang, sisters Rachel and Michelle Yeoh na mga itinuturing na mga fashion icons sa Asya sa background description ni Kwan ay matutuwa ka kung paano niya hangaan ang aktres and artist.
Reyted K
By RK Villacorta