Bilang residente at botante ng Pasay City, kinakaliskisan din namin ang mga partidong sumusuporta sa mga lokal na kandidato.
At least three presidentiables are behind those in the running for local office, pero wala roon si Senator Grace Poe with her running mate Senator Chiz Escudero. Entonces, without their local allies ay wala rin siyempreng mga caucus o miting de avance sina Poe at Escudero sa amin.
Kung ganitong “scarce” ang magka-tandem, it leaves them too slight a chance para ilapit nila ang kanilang mga sarili sa mga Pasayeño kahit sa pamamagitan o tulong man lang ng mga lokal na kandidato.
But between the “white lady” and the “white gentleman”—na ayon kay Chiz, the reason for their choice of white ay dahil wala raw kulay-pulitika ang kanilang pangkat—personally, we feel anxious for Chiz Escudero and his fighting chance.
Lalo kaming natatakot for the monotone-voiced solon (na trying hard sa kanyang pagta-Tagalog as if it would make him less of a nationalist kung manaka-naka siyang mag-i-Ingles). dahil kahit saan man kami magawi at sinuman ang aming kausap, parang ang nasa ilalim ng balat ng kanilang katawan ay walang may gustong maging VP si Chiz.
Still on a personal note, mahal namin ang kanyang misis na si Heart Evangelista, dahil nakasama’t nakatrabaho namin ito. We could attest to Heart’s genuine sincerity sa maraming bagay, pero tila isang napakahirap na pagpapasya to liking her husband to become the next VP.
In the meantime, malaki ang maitutulong ni Heart Evangelista to correct Chiz’s manner of speaking. Na oo nga’t mas nauunawaan siya ng tao sa pagta-Tagalog nito, but in speech, there’s such a thing as proper intonation.
Kung nosebleed o balinguyngoy ang dulot ng pag-i-Ingles, we don’t know what Chiz’s speaking manner can cause!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III