KUNG WALANG aberyang mangyayari between now and tomorrow (Saturday), next in line sa segment ni Heart Evangelista sa Startalk ay ang kanyang ex-dyowang si Daniel Matsunaga. Aprub na kay Heart ang guesting ni Daniel, but will the latter be most willing to show up?
Naiintindihan namin ang outright “Yes!” ni Heart to the idea of having her former Brazilian-Japanese beau, after all, bahagi na ‘yon ng nakaraan regardless kung meron na siyang Senator Chiz Escudero.
To most people though, tila walang malinaw na closure sa kanilang paghihiwalay, na basta-basta na lang nagwakas after bumisita’t nakilala pa ni Heart ang partido ni Daniel sa Brazil.
The impression left by their sudden breakup had a lot to do with their career status. Nagkataong namamayagpag ang career ni Heart while Daniel’s work was unstable, his projects were few and far between.
Is Heart just as happy kung sinuman ang minamahal ngayon ng dating kasintahan? In summation, ano kayang “heart of the matter” ang ibabahagi ni Heart inspite of her failed relationship with Daniel?
KUMBAGA SA bananacue, tuhog din ang kuwentong ito tungkol kina Eugene Domingo at Jeric Teng (anak ng dating hardcourt superstar na si Alvin) sa magkahiwalay na palabas sa GMA nitong Sabado.
Bubusina muna kami sa kanilang mga pinanggalingang paaralan: sa UP kung saan nagtapos ng kursong Theatre Arts si Uge, at sa DLSU kung saan presently enroled naman si Jeric.
Uunahin muna namin si Jeric who, in fairness, can pass for an artista. Guest kasi silang magkapatid (the other one being Jeron) sa segment ni Heart Evangelista sa Startalk na Heart of the Matter. The sibling presence sent everyone in the studio screaming and shrieking, palibhasa’y ang lakas naman kasi ng dating ng mga basketbolistang ito.
The interview proper initially began with Heart making the Teng brothers choose between two opposing traits ng isang babae based on their preference. At one point, pinapili ni Heart sina Jeron at Jeric kung alin sa dalawa ang kanilang hanap sa chicks: slim or voluptuous?
Sagot ni Jeric: “Ano ba’ng ibig sabihin ng ‘voluptuous’?”
Gumabi na nitong Sabado, nakatutok naman kami sa pagpapatuloy ng unang taong pagdiriwang ng Celebrity Bluff hosted by Uge. Bukod sa kanyang opening spiels ay makalawang beses niyang buong ningning na sinabing, “This is in celebration of our ‘first year anniversary’!”
Year na, anniversary pa? Hindi man lang ba ‘yon napansin ng head writer o ng director na puwede namang i-retake since it’s a canned show?
Kunsabagay, most common mistake na sa mga host ang ganitong redundancy. Again, such boo-boos are not meant as a slur against Uge’s and Jeric’s schools.
EVEN GAME show host Ryan Agoncillo gave his share sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Nagkataong taping ‘yon ng pilot episode ng kanyang bagong programa sa GMA, ang Picture! Picture!
On the homefront, pinauwi raw nila ng asawang si Judy Ann Santos ang mga yaya whose children were missing. Tatlong araw ring nag-day off ang mga ito, and thank God, natagpuan naman ang mga nawawalang mahal sa buhay.
Still another staff lost her home, kaya naman ganoon din lang ang pagnanais ng mag-asawang Ryan at Juday na maipatayo nitong muli ang nawasak na tahanan. The way Ryan describes his way of helping the victims, “Paloob.”
Incidentally, Ryan’s Picture! Picture! is a game of wit, luck and careful strategy. It airs after 24 Oras Weekend tuwing Sabado. Abangan kung sino naman ang apat na maglalaro bukas to get a shot at P500,000.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III